Jhea POV
"Daddy's punishment will surely welcome us!!" Paulit ulit na iyang sinabi ni Ate Jairen kaya kahit ako tuloy na walang ideya sa kung ano mang parusa ang tinutukoy nya ay kinakabahan din.
Sabagay, dapat talaga akong kabahan kasi ako ang puno at dulo ng lahat ng ito pero kahit na. Kung ano man ang magiging parusa ni Daddy ay buong puso kong tatanggapin, hindi ako hihingi ng tawad dahil hindi ko pinagsisihang ginawa ko iyon. If someone could give me chance to go back in that time, I still do the same. Tatalon pa rin ako para puntahan ang PG.
"Nasaan ang anak ko?" Umiiyak na tanong ng Mommy ni Daryl. Taranta kaming itinuro ang kwarto ni Daryl. "Oh my gosh! What happen to my baby boy!!" Sabay silang humahangos na pumunta doon ng Daddy ni Daryl.
Walang may alam kung paanong nalaman ng mga magulang ni Daryl ang tungkol sa nangyari dahil wala naman kaming pinagsabihan na kahit sino. Maging ang iba naming kasama ay wala din daw kinalaman. Siguro dinalaw nila si Daryl at naabutan doon ang mga nag-iimbestigang pulis.
"Take care!!" Walang buhay na sinabi ni Madison sa tatlong papalayong kotse.
Ako, ang dalawa kong kapatid, at ang grupo nalang nina Madison ang natira dito. Umuwi na ang tatlong SSG dahil pare-pareho lang daw silang tumakas sa mga magulang nila. Ang BD naman ay inaantok na daw at kailangang magpahinga. Hera on the other side never leave Clyde in the ICU.
"Oh my ghad!!" Magkakasabay kaming napahinto sa paglalakad dahil sa hysterical na sigaw ni Ate Jairen habang nakatingin sa cellphone ni Madison na hiniram nya. "We need to go home!! Nasa Vasquez Mansion si Daddy!!"
Ang kotse ni Madison ang ginamit namin para makauwi. Halos magdasal na ako dahil sa klase ng pagpapatakbo ni Ate Jairen. Paulit-ulit pa syang sumisingit sa kahit na anong klaseng sasakyan na halos magpasigaw sa akin ng malakas. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong matakot sa posibleng parusa sa amin ni Daddy gayo'ng papunta pa lang kami sa kanya ay tila parusa na. Nakakainis sila magdrive. Kung nakakaasar magdrive ang PG, doble silang dalawa, parang hindi babae.
Nang makapasok na ang kotseng sinasakyan namin sa gate ng Acosta Homes tsaka na ako binomba ng kaba. Ano bang parusa ang makukuha namin kay Daddy? Wala kong ideya basta ang alam ko lang ay hindi iyon maganda. Malalakas ang loob nina Ate, kung sila nga ay natatakot paano pa kaya ako?
"Oh my gosh! Ate bagalan mo muna, gusto ko munang huminga!!" Si Ate Jairah. Sinunod naman agad sya ni Ate Jairen. "Siguradong galit na galit sya. My gosh! I can't breath!!" Napangiwi na ako. Kinakabahan na talaga ako.
Nang pumarada ang kotse sa labas ng gate ay halos mahimatay na ako. Ang pamilyar na mukha ng isang mafia ang nagbukas ng gate para sa amin. Hala! Dito ba nila sa Pilipinas ini-landing ang eroplane? Nangangatog ang mga tuhod ko habang tinatahak namin ang daan papasok sa bahay. Naabutan namin si Daddy na nakaupo sa isang single sofa, nakayuko sya habang magkasalikop ang mga palad. Sobrang sama ng aura nya na pakiramdam ko ay hindi ko sya makilala.
Nakakabinging katahimikan ang namayani. Sa bawat segundo na walang nagsasalita ay mas lalong nilalamon ng kaba ang sistema ko.
"Ano? Kamusta ang lakad nyo?" Walang emosyon ang boses nya pero pakiramdam ko ay nagbabanta iyon. "Masaya?" Dagdag tanong nya. Walang umimik. Kita ko sa gilid ng paningin na kahit ang dalawa kong nakakatandang kapatid ay hindi man lang gumagalaw katulad ko. Napapagitnaan ako ng dalawa kong Ate, at ako ang nasa pinakaharapan ni Daddy kaya naman doble ang kalabog ng dibdib ko. Paano kung paluin kami ni Daddy? Edi sa akin agad lalapat yung pamalo?
Mararahas na buntong hininga ng ama namin ang namamayani sa tahimik na kabahayan. Madaling gumalaw ang paa ko paatras ng tumayo ang nasa harapan ko, maging sina Ate Jairen at Ate Jairah ay nakita ko ring umatras katulad ko. Katahimikan na naman ang namayani.
BINABASA MO ANG
BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)
Teen FictionLahat naghahanap ng pagmamahal. Kahit anong klaseng tao ka pa, nakilala ka man bilang masama o mabuti. Mayaman o mahirap. Sikat man o hindi, may iisang parte ng puso mo ang naghahanap ng pagmamahal. Maaring mula sa pamilya, kaibigan, o yung tinatawa...