Jhea POV
"Merry Christmas my loves!!" Malawak akong napangiti sa narinig sa kabilang linya. "Uwi ka na dito para kunin yung mga regalo mo!!"
"Hindi pa pwede eh!!" Medyo nanlulumong sinabi ko. Sayang! Ito sana ang unang pasko namin na magkakasama. "Pag-uwi ko bubuksan ko iyan. Merry Christmas sa inyo, hindi pa Christmas dito eh. 12 noon pa lang ng December 24!!"
Nang matapos ang usapan namin ay nanghihina akong napahiga sa kama. Gustong gusto ko ng umuwi. Kailan ba ulit ako uuwi sa kanila?
"Sayang!! Masaya sanang gumawa ng snowman ngayon!!" Malungkot na sinabi ni Ate Jairen. Muli akong napabangon bago tumingin sa TV na syang tinitignan nya. Balita iyon tungkol sa pag-ulan ng snow. Paano naman natin magagawa iyon? Nakatago tayo sa ilalim ng lupa na ito! "Our bad!! Hindi tayo malaya!!" Mapait syang tumawa bago ako lingunin. "Naranasan mo na bang gumawa ng snowman?" Tumango ako bago iakyat ang mga paa sa kama para gumapang palapit sa kanya. Nakahiga sa hita nya si Ate Jairah na kumakain na naman ng chocolate.
"Gumagawa kami ng gano'n nina Mommy at Lola dati sa Italy tuwing snow season" Masaya kong kwento ngunit ng mapagtanto ko kung ano ang sinabi ay agad akong natigilan. Nag-iwas ng tingin si Ate Jairen, samantalang si Ate Jairah naman ay tumigil sa pagnguya. "S-Sorry!!" Takot kong sinabi. Natatakot ako. Natatakot ako na baka dahil sa sinabi ko ay muli na naman silang magalit sa akin, baka hindi na naman nila ako pansinin at ituring na kapatid.
"Its okay!!" Wala akong nagawa ng tumayo sya at magdire-diretso sa pintuan.
"Excuse me!!" Si Ate Jairah bago sumunod kay Ate Jairen.
Nayakap ko ang tuhod bago impit na mapaiyak. Galit na naman sila sa akin. Hindi na naman nila ako papansinin. Ang tanga ko naman kasi eh! Bakit mo naman kasi binanggit ang Mommy nyo? Nakakaasar! Gusto kong humakbang patungo sa pintuan na nilabasan nila habulin sila at humingi ng tawad kahit na hindi ko alam ang eksaktong kasalanan ko.
Nakatulog nalang ako kakahintay sa muling pagdating nila. Ayokong lumabas. Natatakot ako na baka pag sinundan ko sila ay mas lalo lang silang magalit sa akin.
"Princess wake up!!" Napaingit ako sa inis bago magmulat ng mata. "Its already 11:55. Get up!!" Masayang sinabi ni Daddy bago ako alalayang makatayo.
Nakasimangot ako habang naglalakad kami papunta sa dining area. The house are well designed by a Christmas light, parole and other decoration for Christmas. Inalalayan ako ni Daddy na maupo. Medyo masikip tignan ang paligid dahil halos 100 yata kami dito. Mabuti nalang talaga at malawak ang dining area. My eyes looking for my two sister, nasan kaya sila?
"Merry Christmas!!" Nagulat ako ng may sabay na humalik sa magkabilaang pisngi ko.
"Here!!" Nilingon ko sya. Inaayos nya ang hawak nyang Christmas hat, at ng tuluyang maayos iyon ay sinuot nya iyon sa akin. "Yan!!" Ngiting ngiti nyang sinabi. "And here you----"
"Don't you dare!!" Mapagbantang sinabi ni Zero sa kanya ng akma din syang lalagyan ni Ate Jairah.
"Ate Ren ayaw nya!!" Galit nyang sumbong bago hatakin ang braso ni Ate Jairen. Napalingon ako sa ginagawa nito. Hindi ko naitago ang pagtawa ng makitang nilalagyan nya lahat ng mga Mafia ng pulang sumbrero. Halatang masama ang loob ng mga ito sa tuwing yumuyuko.
"Hoy Zer---"
"Akina!!" Si Daddy na may suot na ding Christmas hat. Kinuha ni Daddy yung hawak ni Ate Jairah bago lumapit kay Zero na agad tumayo at dumistansya. "Wag ka ngang KJ!!" Humahalakhak na sinabi nya habang sinusundan si Zero na panay ang layo. Para akong audience sa isang comedy show. Nahahampas hampas ko pa ang kamay sa mesa dahil sa sobrang pagtawa.
BINABASA MO ANG
BE WITH 8 GANGSTER(COMPLETED)
Teen FictionLahat naghahanap ng pagmamahal. Kahit anong klaseng tao ka pa, nakilala ka man bilang masama o mabuti. Mayaman o mahirap. Sikat man o hindi, may iisang parte ng puso mo ang naghahanap ng pagmamahal. Maaring mula sa pamilya, kaibigan, o yung tinatawa...