Maaga akong pumasok ngayon. May surprise daw kasi para sa'kin yung boyfriend ko - si Enrique.
Pag-pasok ko palang ng gate ng school ay nakita ko na yung mga estudyante na nag-tatakbuhan. Hindi ko nalang sila pinansin at didiretso na sana sa classroom nang may narinig ako, "Bilisan niyo guys! May surprise daw si Enrique sa Girlfriend niya, dun sa may Quadrangle! Bilis!"
Napangiti ako, ang sweet talaga niya. In-announce pa talaga niya na may surprise siya? Aww.
Naki-sunod nalang din ako sa mga estudyante na papunta sa Quadrangle at sa mismong oras na tumapak ako doon ay hiniling ko nalang na sana di nalang ako sumunod, sana dumiretso nalang ako sa classroom. Sana hindi nalang ako pumunta para hindi ako nasasaktan ng ganito.
Nakita ko sa gitna ng Quadrangle, naka-luhod yung boyfriend ko, naka-tayo sa harap niya si Cheska - yung queen bee ng school namin. At habang pinapanuod ko sila ay parang pinupunit yung puso ko. Lalo na nang banggitin na ni Enrique yung mga salitang, "Cheska, will you be my girlfriend?"
Hindi ko na pinatapos yung isasagot ni Cheska at tumakbo na agad ako sa pinaka-malapit na CR. Nang masiguro kong walang tao sa loob ay ni-lock ko agad yung pinto.
Humagulgol ako hanggang sa mailabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko yung sarili ko sa salamin at tinignan yung repleksyon ko dun.
Nerdy Glasses.
Braces.
Curly Hair.
Blouse.
Mahabang palda.
Sandals.
"Sino sa tingin mo ang mag-kaka-gusto at seseryoso sa'yo kung ganyan ka ka-panget?! Ha, Kathryn?! Sino?!" sigaw ko habang sinasabunutan yung sarili ko.
"AAAAAHHHHH!!!!!" napa-sigaw nalang ako at sinuntok ko yung salamin kaya naman nag-karoon ng crack doon at unti-unting tumulo yung dugo sa kamay ko.
Lumabas na agad ako ng CR. Gusto ko nang umalis. Ayoko na dito.
Narinig ko pa yung bulungan ng mga estudyante tungkol sa magulo kong buhok at dumudugo kong kamay. Hindi ko manlang kasi ginamot o hinugasan, walang-wala pa nga 'to sa sakit na nararamdaman ng puso ko eh.
Dumiretso ako papunta sa gate nang may nakabangga ako kaya naman ay napa-upo ako sa lupa. "Ay. Sorry po." sabi ng nakabangga ko kay agad akong nag-angat ng tingin.
Nakita ko yung nerd ko ding guy-bestfriend. Siya lang yung nag-iisang kaibigan ko sa buong university at ganun din naman siya sa'kin. Syempre, sino pa bang inaasahan naming sasama sa'min diba?
"Chan-chan, bakit ka umiiyak?" tanong niya kaya napa-iyak nanaman ako ulit at napa-yakap nalang sa kanya.
"Manloloko siya, Din-din. Sinaktan niya 'ko. Ang sakit dito oh, parang pinupunit, dinidikdik at tinatapakan ng pauli-ulit. Ang sakit sakit ma-inlove, Din-din..." sabi ko habang tinuturo yung bandang kaliwa ng dibdib ko, malapit sa puso.
"Naiintindihan ko Chan-chan..." bulong naman ni Din-din.
Narinig ko naman yung mga estudyanteng galing sa Quadrangle na pabalik na kaya naman ay humiwalay na 'ko ng yakap kay Din-din.
"Sige, Din-din. Aalis na 'ko." sabi ko.
"Sa'n ka pupunta?" tanong niya sa'kin.
"Basta. Kahit saan. Sa Malayo. Dun muna ako." sagot ko, tumalikod na at nag-lakad pero hinabol ako ni Din-din at pinaharap ako sakanya.
"Dumudugo yung sugat mo..." sabi niya at tinalian niya yung kanang kamay ko ng panyo niya.
"Chan-chan, lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo. Katulad ng panyo ko jan sa sugat mo, handa akong hilumin lahat ng sugat at sakit na mararamdaman mo. Babalikan mo 'ko ah?" sabi niya at inangat yung pinky niya.
Ini-angat ko din yung pinky ko at nag-pinky promise kami. "Oo, babalikan kita. Dun parin sa lagi nating pwesto sa Garden. Pangako."
Napangiti ako habang tinitignan yung naka-ukit na pangalan namin sa puno dito sa Garden. It's been a year. "Nangako si Chan-chan, at lahat ng pangako niya - sinisikap niya tupadin. Lalo na para sa'kin."
BINABASA MO ANG
That Nerdy Chic
Fanfiction"I fell in love the way you fell asleep: Slowly, and then all at once." #TNCwp