21 - him and his ~

303 4 0
                                    

YANA's POV

"Ma! Hi. These are my visitors. This is Yana, my girlfriend, her agent, Fawn and her bodyguard, Kuya Edgar." Nanatili ang titig ko sa babaeng nasa harapan na namin ngayon habang tumatango-tango siya sa sinasabi ni Timothy. Lihim akong napalunok dahil pakiramdam ko ay isang maling galaw ko lang ay mapapasama na talaga ako.

"Your girlfriend?" Shvt. Napayuko ako nang sabihin iyon ng mama ni Timothy. Bamit ba pumayag pa akong dito na matulog? Now what?!

"Ah, Yan--" mabilis akong lumapit kay Timothy tsaka humarap sa mama niya para pormal na makapag-pakilala. Kahit naman na hindi totohanan itong pagkakaroon namin ng relasyon ni Timothy ay ayaw ko namang maging bastos sa harap ng mama niya.

"Good evening po, I'm Yana Samaniego, T-Tim's girlfriend." nahihiyang sabi ko na ikinataas ng kilay niya and that is one of a hellish scary reaction!! Bakit ganyan?

"Akala ko ba ay Fuentes iyong nililigawan mo?" Natikom ko ang bibig ko dahil sa sinabi nito. I shouldn't be mad because she was just asking something realistic. Nag-paalam muna si Kuya Edgar na may kukunin lang sa sasakyan habang si Fawn ay may kinailangang tawagan kaya naman ay naiwan kaming tatlo nina Tim at Mama niya. Tim was surprised with his mom's question as well kaya mabilis niya akong tinignan pero hindi ko na siya nagawang tingnan pa.

"Yes, ma. But--"

"Mara didn't like him romantically, po. And I do. That's why I'm here and not her." Hindi ko napigilang sabihin na ikinatigil ni Timothy sa pagsasalita. His mother looked at me and I am not sure if it's amusement in her eyes but there's something there...

"Oh. Then, I should not ask for more, am I right? I will ask the maids to prepare for guestrooms, ilan ba kayong lahat? Hija?" Natigilan ako nang ako ang balingan niya ng tanong. Akala ko ay si Timothy ang tatanungin niya but ako!!

"U-Umm.. There's just two of us, po. My agent and I can stay in one room naman po, while my bodyguard is staying in the van." I tried to make my voice sound firm because if I won't, I will surely choke!

"Alright. I'll prepare the room. Maiwan ko na muna kayong dalawa." Tim kissed her in the cheek before turning to me. I said my thanks before looking at Tim who is now smiling at me--WHY IS HE SMILING?!

"What are you smiling about?" Halos pabulong kong tanong dahil baka marinig kami ng mama niya.

"You like me romantically, huh?" Napaawang ang bibig ko dahil sa naging tanong niya, like, seriously?!

"What? I had to say that! Nakakahiya naman sa mama mo dahil ako ang nakilala niya at hindi ang mahal mo!" Now, where did that came from? Napaupo nalang ako sa sofa sa gilid ko dahil sumasakit ang ulo ko. Tangna.

"I'm sorry. Tawagan mo nalang muna ang mga pinsan mo para malaman nilang dito ka tutuloy sa bahay." I nodded in what he said. I should. Paniguradong yayanigin ng mga yun ang buong Batanggas kung hindi ako magsasabi. I immediately took my phone out to call my brother who is out of coverage kaya naman ay si kuya Mau nalang din ang tinawagan ko. OUT OF COVERAGE!! Sino bang hindi out of coverage?! I tried calling my other cousins pero lahat ng cellphone nila ay hindi ko ma-contact. Even ate Val's phone is out of reach! Ano bang nangyayari sa mga cellphone nila!?! Sa huli ay si Mara ang naisip kong tawagan dahil siya nalang ang last resort ko, for sure naman ay kasama niya an malanding si Andrei.

I was thankful because after 3 rings, Mara finally picked up. Agad na bumungad sa akin ang ingay ng nasisigurado kong mga pinsan ko. Kaya naman pala.

(Yana? Hello?) I heard Mara from the other line. Sobrang ingay nila kaya naman ay medyo hindi ko narinig iyon. Ilang sandali pa ay dahan-dahan nang humina ang ingay, siguro ay lumayo si Mara.

Samaniego Side Story 2: Keeping YanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon