7 - Nokay ~

327 5 0
                                    

YANA's POV

Maaga akong umalis ng S Building. It's saturday and supposedly, walang pasok ngayon, pero may gig sina Timothy kaya naman ay gumawa ako ng paraan para makaalis.

"This is so bad! Mapapatay tayo nina kuya!" Nginitian ko lang si Athan na ngayon ay nagda-drive na papunta sa restaurant kung saan may raket sina Tim at ang mga kabanda niya. Mabuti nalang at sinabi sa akin ni Calvin kagabi kaya nakagawa agad ako ng paraan.

"Nagpa-alam naman tayo. Plus, mapupuntahan mo yung crush mo!" I said to Athan. Kanina pa niya gustong bumalik dahil sinabi ko sa kanya na iwan niya nalang ako doon. He is against it, of course. Samaniego pa rin si Athan at kahit kadalasan ay isip bata siya, hindi pa rin mawawala sa kanya ang pagiging overly protective. Mabuti nalang at nalaman kong gagala pala sa mall ngayon si Yoana his crush, kasama ang mga kabarkada nito.

"Alright. Susunduin nalang kita dito mamayang 3 pm. Tapos na siguro yan no?" he said making me nod. Pwede naman niya akong samahan gaya nang pinagpaalam namin sa mga pinsan namin, pero ayaw kong makita niya si Timothy. Athan is aware of Tim courting Mara, baka magalit lang siya sa akin.

Agad akong bumaba at naglakad papasok ng Restaurant. It was beautiful. Maganda ang restaurant na ito kahit na hindi naman siya high-end. Agad kong nakita si Calvin sa may harapan na may kausap na babae na mukhang inaaway pa siya. Nakanguso siya habang ang babae naman ay obvious na inis na inis na. Akmang tatawagin ko na ang atensyon ni Calvin nang mapalingon ito sa gawi ko. Agad naman siyabg ngumiti kaya napatingin din sa akin ang babaeng kausap niya. Her short hair makes me feel uncomfortable lalo pa at mukhang pati sa akin ay naiinis din siya.

"Boss! Si Yana nga pala, kaibigan namin nina Warren at Tim." Sabi ni Calvin nang makalapit na ako sa kanila. Nakita ko sa di kalayuan si Warren na may kausap rin na babae. Nang mapansin naman niya ako ay nagpaalam na siya dito tsaka lumapit sa amin.

"Friend? Really now?" Kumunot naman ang noo ko dahil tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Anong problema niya sa akin?

"Oo! Oo! Kaibigan ko lang siya! Diba? Yana? Diba?" tumango naman ako agad dahil halos panlakihan ako ng mata ni Calvin. What's his problem?

Ilang sandali pa ay dumating na si Timothy. Nakangiting kinawayan ko siya nang makita kong papalapit siya sa direksyon namin pero nang makita niya ako ay agad siyang lumihis ng daan at dumiretso ng stage..

Aww... ang sama naman.

"Pagpasensyahan mo na. Dito na kami, Yan. Babalikan ka nalang namin mamaya." Nginitian ko lang si Warren at sinundan ng tingin ng lapitan nila si Tim. May sinabi si Warren sa kanya bago ko nakitang napatingin sa gawi ko si Timothy. Agad naman akong ngumiti pero irap lang ang isinukli niya sa akin.

I let out a sigh. No one said it's gonna be easy, Yana.

Nagsimulang tumugtog sina Tim. Kahit na tanghali pa ay marami nang tao at nakikinig sa kanila. I was busy listening and staring at Tim when I noticed someone sat on the opposite side of the table I'm occupying. I saw the woman Calvin was talking to earlier. Kung kanina ay parang inis siya, ngayon naman ay malamlam na ang tingin niya at para bang mabait na siya. Anong nangyari sa kanya?

"You like Timothy?" Biglang tanong kaya naman ay nanlalaking mata akong napatingin sa kanya. Am I that obvious?!

"It's okay. Normal lang yan. Ang gwapo nga naman ni Tim. Talented rin." Sabi niya bago uminom ng juice na hawak niya. Napatitig lang ako sa kanya. Am I that transparent? Siguro nga... masyado ko atang gusto si Timothy kaya hindi ko maitago-tago.

"Mabait rin siya." Mahinang sabi ko bago ibinalik ang tingin sa gawi ni Timothy na ngayon ay busy pa rin sa pagkanta.

"But... you do know that he's courting someone, right?" I nodded without taking my sight away from Tim. Of course, I do. Paanong hindi eh halos  isampal nga ni Tim yun sa akin eh.

Samaniego Side Story 2: Keeping YanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon