11 - a start~

341 5 0
                                    

YANA's POV

I woke up late the next day. Masyadong napasarap ang tulog ko kaya 10 am na akong nagising. Dumiretso na ako sa banyo para maligo at maghandang kumain. Habang naliligo ay hindi mawala sa isip ko ang pagpapakita ni Timothy sa akin kagabi. His words.. his gestures. It made me happy but I can't deny the fact that it's scaring me.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang magiging dulot ng ginawa niyang iyon kagabi. It's just that... last night, I felt something. May iba.. parang naging espesyal ako kahit sa mga sandaling iyon lang.

I dressed myself with a simple black jeans and plain pastel pink shirt. Wala pa rin akong balak pumasok sa school, maybe I'll just take the whole week out. Sa lunes nalang siguro ako papasok. Nang matapos ay bumaba na ako para mag-agahan. As expected, mom and dad already left for work. Kaya naman ay ako nalang mag-isa ang kumain. I was in the middle of having my meal when one of our maids suddenly entered the dinning and approached me.

"Miss Yana, may naghahanap po sa inyo sa labas." Kunot noo kong tinignan si Yaya Sabel. Sino naman kaya?

"Sino?" Takang tanong ko. I'm not expecting anyone.

"Hindi ko po kilala, Miss Yana. Ngayon ko lang nakita." Sabi naman niya kaya napa-isip ako. So, it's not my cousins? Sino ba?

"Alright." Sabi ko nalang tsaka tumayo. I went for the door at ganun nalang ang gulat ko mang malayo pa ay maaninag ko na ang mukha ni Timothy na nakahilig sa kotse niya. Ilang beses kong ikinurap ang mga mata ko para masiguradong hindi lang ako pinaglalaruan ng paningin ko but no matter how many times I blinked my eyes, nandun talaga siya!!

What is he doing here?!

"Timothy? Anong ginagawa mo dito?" I asked the moment I got near him. I'm really wondering why.

"Oh. Diba sabi mag-uusap tayo ngayon?" Simpleng sabi niya na ikina-panlaki ng mga mata ko. Shvt! Sinabi ko nga pala yun kagabi!! Napalunok ako bago nahihiyang napayuko. Now what?! I was just confused last night! Nilamon lang ako ng kaba at gusto ko lang lumayo sa kanya!! Ano namang pag-uusapan namin?!

"Sabi na nga ba't di ka talaga seryoso kagabi, eh." napatingin ako kay Tim dahil sa sinabi niya. I can't help but to bit the inside of my cheek when I heard the disappointment in his voice. Ang tanga, Yana. Ano na?!

"H-Hindi naman sa ganun, T. H-Hindi ko lang in-expect na.. tototohanin mong makipag-usap sa akin." I said trying to calm myself. Hinihigop ng kaba ang fighting spirit ko, shvt! Paano ba?! Kasi naman! Hindi pa rin ako makapaniwala n si Timothy mismo ang lumapit sa akin!! Nasanay akong pinagpipilitan lagi ang sarili ko sa kanya para mapansin niya lang. It's overwhelming.

"I should really start changing your thoughts about me, huh? Well? Let's talk?" Napatitig ako kay Timothy. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin, sa totoo lang. But I do want to ask him something. Kahit na alam ko naman na ang dahilan kung bakit hindi niya ako sinipot ay gusto ko pa rin marinig mula sa kanya. I know it won't change anything but I wanna hear it. I wanna hear it from him.

"Where?" Yun lang ang nasabi ko. I'm still hesitant. Ewan ko ba kung bakit pero baka ito ang paraan ng isip ko para protektahan ng tangang puso ko.

"We'll know." Nakangiting sabi niya kaya naman ay wala sa sariling napatango ako. Alright. Let's talk, Timothy.

"Kukunin ko lang ang gamit ko." I said before walking back to our house." Minabuti kong mahinahong maglakad lang para naman ay hindi makita ni Timothy ang kadesperadahan ko pero nang makapasok na ako ng bahay ay tinakbo ko na ang sala papunta sa kwarto ko and because of that, I arrived in my room catching my breathe. I calmed myself for a moment before fixing myself. Nagpulbo ako ng konti tsaka lipstick. Tapos ay kinuha ko ang sling bag ko at ipinasok. dun ang cellphone at pitaka ko bago bumaba. Naabutan ko si Timothy na nag-aabang sa aking malapit sa kotse niya. Agad naman niya akong pinagbuksan ng pinto bago siya umikot papunta sa driver's seat... then, he started driving.

Samaniego Side Story 2: Keeping YanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon