36 - Ring ~

491 4 0
                                    

YANA's POV

"Sure ka bang hindi masikip? Baka sumakit ang sugat mo." Nag-aalalang saad ni Mara habang nakatingin sa akin na isinusuot ang isang puti na flowy dress na bili niya. Ang cute ng damit na ito. It's white but it has green sequins around it. Just so cuteee!

"Ayos lang, Mars. Tsaka malambot naman ang tela." Natatawang saad ko habang nakatingin sa reflection ko sa malaking salamin sa harap ko. I look pretty, thanks to them who fixed my hair and make up. Ewan ko ba kung bakit ako naka-make up.

"Ang ganda mo, Yan!" Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi ni ate Ara. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila ng kapatid ko. I've been staying here since I got discharged from the hospital two weeks ago.

"Mali-late na tayo dahil ang bagal niyo!" Narinig kong ungot ni Yoana habang naghihintay sa amin sa sala ng bahay.

"Sandali lang!!" Si Ate Guia iyon na nagmamadaling inayos ang buhok ko. Ewan ko ba pero bihis na bihis kami ngayon. We're going to Timothy and his band's reunion concert. Sa pagkakaalam ko ay limang taon na rin mula nang ma-disband sila. Hindi ko rin alam kung bakit sila na-disband. Siguro ay dahil busy naman na sa kanya-kanyang pamilya nila sina Warren at Calvin habang may ibang pinagkakaabalahan naman si Timothy.

"Excited na ako!!" I heard Ate Sia said. Ako rin naman. Matagal na rin mula nang marinig kong kumanta si Tim at aaminin kong nami-miss ko na ang boses niya.

Ate Heidi was the one driving our car. Ewan ko ba pero wala ang mga asawa nila. Ang sabi ni ate Sisa ay may gagawin raw sa opisina at hahabol na lang. Ang mga bata naman ay sa pagkaka-alam ko ay dinala smuna raw sa main mansion.

"Andito na tayo!!!" Ate Fely cheered as she step out of the car. Sumunod rin agad kaming lahat. Nagulat naman ako nang makita ko si kuya Aire kasama ang sandamakmak na mga men in black sa bukana ng entrance. Akala ko ba busy siya sa trabaho?

"Anong ginagawa mo dito, Aire?!" Takang tanong ni Ate Val sa kakambal niya.

"Sipain ko yang mukha mo. Kuya nga!" Nagpigil na lang ako nang ngiti dahil sa sinabi ni kuya Aire.

"Vairel? Why are you here? Akala ko ba..." ate Fely trailed pero hindi lang siya sinagot ni kuya Aire. Instead, he walked towards ate Felly and escorted her towards the entrance. Agad naman kaming nilapitan ng mga men in black na kasama niya tsaka iginiya papasok.

The venue was already crowded when we entered. Tama nga si Yoyo, late na kami. Kung wala ang mga men in black na kasama ni kuya Aire ay paniguradong natutulak at naiipit na kami ng mga fans ng The Boyz. Everyone's excited about this reunion concert. Hindi ko rin maintindihan sina Tim kung bakit bigla silang nagplano neto eh kakalabas lang niya ng hospital. Hindi ko na rin naman siya natanong dahil hindi ko na ulit siya nakausap pa mula nang magising ako sa hospital. He just visits Ion at doon ko lang siya nakikita pero hindi ko pa siya nakakausap ng mabuti. I really need to talk to him about his plans about our son.

"Ang daming tao!!" Ate Heidi sounded so amused while looking at the crowd. Ang dami talagang tao! Ang sikat na pala talaga ng banda ni Tim.

"Baaabbbyyy Giiiirrrrllll!!!" Sa kabila ng ingay na nanggagaling sa madla ay umalingawngaw pa rin ang boses ni Athan. Ang lakas nun kaya naman ay maraming napalingon sa gawi niya. Yoana on the other side looked like she got bitten or something. Hindi siya makatingin kay Athan habang naglalakad kami. Hahahaha!

"Masasapak ko na talaga siya!" Naiinis na saad ni Yoana tsaka mabilis na tinungo ang kinaroroonan ni Athan. I'm no longer surprised that Athan, Andrei, Kuya Zander and Kuya Yuan are here. Afterall, Tim's band is under their entertainment company kaya siguradong sila ang nagplano neto. Pero ang makita ang buong angkan ko dito ay ang nakakapagtaka. Even my parents are here! Anong nangyayari?!

Samaniego Side Story 2: Keeping YanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon