YANA's POV
Dahan-dahan kong inilagay ang mga gamit ko sa loob ng kotse ko. Ang bibigat, mabuti nalang at nandito ang mga BG para tumulong magbuhat ng mga maleta.
"Ito na po ang huli, Miss Yana." tinanguan ko lang ang BG na siyang may dala ng huling maleta na dadalhin ko.
"Thanks po." Tumango lang ito sa akin bago nagpaalam na babalik na sa pwesto niya. Kaya naman ay sumakay na ako sa kotse at nagmaneho papunta sa airport.
It's been months since I talked to Calvin and I am surprised because everything is slowly getting lighter. We lost Comet, Kuya Zander's son to ate Guia pero hindi naging hadlang yun para ipagpatuloy nila ang pagmamahalang naudlot nuon dahil sa kagvguhan ng malandi kong pinsan. Masaya ako para sa pamilya ko. Mara and Andrei are finally okay, ganun din sina kuya Zander at ate Guia na naghahanda na para sa baby girl nila. Kuya Yuan is finally happy.. yes, finally.. Konting tulak nalang at mapapalagay na siya sa magandang kamay.
Inihinto ko ang kotse ko sa pabas ng airport. Agad akong sinalubong ni Great na siyang magdadala ng kotse ko sa bahay niya. Kasama ko kasing pupunta ng Korea si Fawn para sa launching ng isa sa mga ini-model kong clothing apparrel. Ako kasi ang official model at ako din ang nagmamay-ari ng kalahati nun.
"Take care you two. I don't want to got there. I hate the weather in Korean." Seryosong sabi ni Great habamg nakatingin kay Fawn na antok na antok lang. I can't blame her, it's just 4 am but we have to be early because our flight is on 6. Kung hindi ba naman siya baliw, eh hindi anito ka-aga ang flight namin.
Iniwan na rin kami ni Great hanggang sa oras na para umalis na kami. I am the most excited for this trip. Fawn and I will be staying in Korea for about 3 months long because we have to make sure that secured na ang business namin doon. Wait, nasabi ko na bang si Fawn ang business partner ko? Hindi pa? Well, ngayon nasabi ko na.
"Ang dami mong dala." Puna niya sa apat na maleta ko. I just looked at her with a bored looked. Alangan namang wala akong dalhin?
"Fawn, 3 months tayo dun. Hindi pwedeng wala akong dalhin." Paliwanag ko sa kanya na ikinailing niya lang. Busy sa cellphone. Akala mo naman eh mawawala sa kanya si Great kung hindi niya mati-text. Halos mabaliw nga yun kapag hindi siya nakikita eh.
"Lilipad na. Patayin mo na yan." Sita ko kay Fawn nang magsalita na ang piloto ng eroplanong sasakyan namin. Kaming dalawa lang ang sakay nito dahil nagmagandang loob si kuya Aire na ipahiram sa amin ang eroplano niya papunta at pabalik namin. He's in a good mood. Nakita lang ulit si Ate Fely eh happy na ulit. Baliw lang talaga.
"Ready na ba lahat ng kailangan dun, Fawn? Na-check mo na ang area?" I asked Fawn. Aside from the launching, may o-open na rin kami ng branch doon. Meron na kaming dalawang branch sa Pilipinas at balak naming mag-extend sa Korea dahil na rin sa connections ni Fawn sa pagiging modelling agent. I'm really lucky to have her as my agent, hindi ko lang nagagawa ang bagay na gusto ko, nagagamit ko pa ang pinag-aralan ko.
"Everything is good, Yan. Tayo nalang ang kulang dun." Napatango nalang ako. I trust Fawn and I've heard that Great helped her with this. Ang alam ko lang naman kasi ay ang mag-manage hindi ko alam kung paano bubuuin mula sa abo.
We landed safely to our destination. Agad kaming dumiretso ni Fawn sa bahay na pagmamay-ari ng pamilya ko dito. Alam ng pamilya ko ang ipinunta ko dito at suportado nila ako doon. They even wished me all the best. Si mommy naman ay suportado rin ako dahil hindi naman niya ako pwedeng ayawan dahil kasama iyon sa napag-usapan namin nuon.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwartong kakalagayan ko sa loob ng tatlong buwan. Wala akong sariling kwarto dito, Pag nagpupunta kasi kami dito ay iisa lang ang kwarto naming lahat na magpi-insan. Hindi ata naisip ng mga magulang namin na darating ang panahon at magkakaroon na kami ng kanya-kanyang pamilya at kailangan na ng kanya-kanyang kwarto. Kaya naman ay heto, tig-isa kami ng guestroom ni Fawn. Ayaw ko namang magkasama kami sa iisang kwarto dahil sigurado akong maiirita lang ako sa kakalandian nila ni Great. Paniguradong walang tigil na tawagan at text-an na naman yan at ako ang magiging dakilang taga-panood nun. It's not that I hate it, masaya ako para kay Fawn. Naiinis lang ako. Inggit na din siguro.