Kabanata 3

756 140 125
                                    

Asya's POV

Dumating sa punto na kailangan ko nang umuwi. Bakit lahat na lang na in-a-apply-an ko hindi ako matanggap-tanggap. Hindi ba ako katanggap-tanggap? Kesa mag-emote, mas pinili ko na lang umuwi dahil mas ayokong mag-alala ang mama at kapatid ko. Ayokong maging pabigat. Maghuhugas na lang ako ng mga pagkakainan namin ng sa gayo'y may silbi.

Makalipas ang dalawang oras, heto nakatingala at may tinitingnan sa kisame na para bang may inaabangan kakaiba roon. Umaasang makatulog ng payapa. Hindi ko alam kung dadalawin o babangungotin ulit ako. Pero agaw-pansin ang kabang nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag sa mga sandaling ito, pakiramdam ko'y may mangyayaring hinding-hindi ko matatakbuhan.

At kahit anong gawin ko, hindi ako makatulog. Binaling ko ang aking paningin sa aking kapatid na mahimbing na natutulog, sobrang higpit ng mga braso nito na nakayakap sa aking katawan. Nakakainggit. Tila walang bahid ng takot o pangamba habang natutulog. Payapa ang mailalarawan ko sa aking nakikita. Parang walang kaakibat na problema. Mabuti pa siya. Pero mas pipiliin kong ako na lang ang mahirapan sa sumpang ito, huwag lang ang aking kapatid. Hindi baleng ako na lang, huwag lang siya.

Panaginip. Kailan ba 'to nagsimula? Mula nang mamatay ang papa, mayroon na akong mga kakaibang panaginip. Una, hindi pa masyadong malala o nakakatakot. Puro mga alaala lang ng aking ama ang napapanaginipan ko. Noon una hindi ko sinabi kay mama dahil baka namimiss ko lang si papa.

Subalit nang dumaan ang maraming araw, pataas nang pataas ang intense o lebel ng mga panaginip ko.

Minsan, nanaginip ako na nakalutang ako sa isang kwartong hindi ko kilala habang nakagapos ang aking mga kamay at paa. Ramdam ko ang sakit na para bang totoo ang nangyayari. May mga nakikita akong mga bagay na maaari lang matagpuan sa isang bahay ng isang mangkukulam. May mga bungo na nasa loob ng malaking garapon, meron ding mga ugat-ugat na iba-iba, may malaki at may maliliit na nakalagay sa isang malinaw na bote, may hikaw na mabalahibo at may mga bato na nakasabit sa dingding. Bato na may mga nakaukit na mga tatsulok na may mga malalaking mata sa loob nito. Mabaho ang amoy ng kwartong iyon. May isang matandang babaeng nakaitim at mahaba ang buhok na walang mukha ang tila naghahalo ng isang mausok na likido na nakalagay sa isang malaking kawali habang umiilaw ang kinatatayuan nito. Iyon lang ang naaalala ko sa panaginip na iyon.

Halos lahat ng napapanaginipan ko ay hindi ko matandaan pero may ibang panaginip naman na naaalala ko ngunit hindi malinaw ang ibang bahagi. Basta ang alam ko, naaalala ko man o hindi tuwing gumigising ako, mayroon itong iniiwan sa akin na kakaibang pakiramdam na nakapagpalito ng lubos sa akin isipan.

Nahinto ng sandali ang aking pag-alala sa mga dati kong panaginip dahil sa kyut na hilik ng aking kapatid. Mukhang pagod na pagod. Malalim ang pagkakatulog. Kapag naghihilik kasi siya, ibig sabihin malalim na ang kanyang tulog.

Habang tinitigan ko ang aking kapatid, biglang umihip ang napakalamig na hangin kahit sarado ang bintana. Mahina lang naman ang ihip ng electric fan pero iba ang hangin na nadarama ko ngayon, para bang may humahaplos sa 'kin. Bigla akong natakot kaya napayakap ako sa aking kapatid, wala man lang kahit anong reaksyon ang aking katabi.

Hinayaan kong lumipas ang ilang minuto habang niyayakap ko nang mahigpit ang kapatid ko. Bigla na lang ulit bumalik sa tahimik at payapang kapaligiran. Baka ang hindi pangkaraniwang hangin na iyon ang naging dahilan kung bakit inantok ako at nakatulog.

Parang may yumuyugyog sa akin, tila pinipilit akong gisingin. Pero ayoko pang magising, ang sarap kaya matulog na walang halong masamang panaginip. Ngunit hindi yata tumitigil at sumusuko ang walang hiyang gumigising sa napakahimbing kong tulog.

At dahil tinatamad ako, hindi ko pa rin minulat ang aking mga mata. Bahala siya!

Aba! ang tiyaga talaga. At dahil hindi ko na nagugustuhan ang walang ingat na paggising sa akin, tingnan natin. Lintik lang ang walang ganti.

Pitong Oras (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon