Kabanata 4

746 129 113
                                    

Asya's POV

Kailangan naming tumakbo nang tumakbo. Halos tatlumpung minuto na ang lumipas mula sa pagkagising ko mismo sa loob ng isang panaginip - sa sarili kong panaginip. At halos isa pang tatlumpung minuto na namin pinipilit na habulin ang aming mga hininga dahil ang pagtigil ng ilang sandali ang hindi magandang solusyon sa mga oras na ito.

Sa dami pa naman ng kakaibang nilalang na humahabol sa amin, talagang kakaripas ka nang takbo. Isa pa, ang nakakabinging ungol at boses ng mga halimaw ang tangi mong maririnig sa gubat na ito.

Isang gubat. Maraming mahahaba't matataas ngunit payat na mga puno ang sumasakop sa buong paligid. Masyadong masukal animo'y mayroon mga nakatagong nakakatakot na mga galang hayop tulad ng ahas o baboy ramo sa likod ng mga berdeng damo na mas mataas pa sa limang talampakan at limang pulgada na maihahambing ko sa taas ng isang normal na tao.

Masyado rin naging mabilis ang lahat ng nangyari kanina pakatapos nang pag-uusap namin ni Marco sa harap ng aming bahay dahil bigla na lang kaming hinigop ng isang hangin pataas ni hindi ko pa naibubuka ang aking labi nang matagpuan namin ang aming mga sarili sa isang gubat. Nalaman ko rin ayon sa kasama kong lalaki na nagpakilalang Marco na kailangan matapos namin ang inihandang misyon sa amin at narito nga kami para sa unang misyon.

Kinakailangan naming makalabas mula sa gubat na ito hanggang makalagpas sa isang makulay na ilog dahil doon matatagpuan ang nakalutang na bolang apoy. Ngunit pakiramdam ko'y parang ang lawak-lawak ng gubat na ito dahil hindi ko pa naaaninag kahit isa man lang ilog. At ang nakakadagdag pa ng hirap namin ay ang mga nakakairitang halimaw na sunod nang sunod sa amin. Epal masyado. Lumitaw ang mga ito nang umpisa namin lakbayin ang gubat.

Masyadong nakakasuka ang mabaho at malansang nilang amoy na patuloy na humahalo sa ordinaryong hangin kung saan langhap na langhap ito. Tumingin ako sa aking likuran at hindi ko inaasahan na ganoon pala sila karami. Humigit kumulang sa isang daan na hindi ko mabilang.

Makikita ko mismo sa kanilang mga luwang mata ang pagnanais na pumatay, punong-puno ng kasakiman. Binibigyan pa nito ng daan ang takot na patuloy at mabilis na sumalakay sa aking buong katinuan. Dobleng-doble ang kaba ang nadarama ko ngayon dahil sa hatid na titig nila at ang nakakatakot na mga itsura.

Luwa ang mga mata, itim na itim hindi lang ang kanilang mga mata pati ang kanilang mga kuko at labi. Mahahaba ang mga dila na lumalabas ng walang dahas. Naglalaway na para bang handa kaming kainin ng buhay. Mayroon tumatakbo na parang aso at parang normal na takbo ng isang tao.

Nanghihina ang aking mga tuhod at umiikot ang aking paningin. Muntik ko ng mahalikan ang lupa kung hindi lang ako nasagip ng isang matigas na braso na mayroon kaakibat na ingat at marahan na pag-alalay.

"Asya. Ok ka lang ba?" tanong nito.

Tango lang ang aking nasagot. Tila ang aking dila ay umurong sa takot at naging bato.

"Huwag kang mag-alala. Nandito ako. Makakalagpas tayo. Magtiwala ka lang."

Nakaramdam ako ng isang mainit na palad sa aking sariling kamay. Doon napadako ang aking tingin sa aming magkahawak na mga kamay. Hinawakan niya ako nang mahigpit na may buong pag-iingat na siyang nagpabilis sa aking puso. Hindi kaya?

Tama. Marahil sa aking pagtakbo at maging sa takot kaya nakakadama ako ng kaba at matinding bilis nang tibok ng puso. Tama. Ito lamang ang maaaring dahilan. Wala ng iba. Pinilit kong alisin kung ano man ang aking naiisip. Tama si Marco. Tiwala lang makakalagpas kami at magiging maayos ang lahat.

Itinuon ko lamang ang aking paningin diretso sa aming pupuntahan. Hindi ko na rin hinayaan ang sarili na lumingon pa sa mga humahabol sa amin sapagkat mas makakabuti na wala akong makikitang nakakatakot ng sa gayo'y hindi ako matakot o manghina.

Pitong Oras (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon