Kabanata 10

615 101 53
                                    

Asya's POV

Minsan sa buhay mayroon kang gustong kalimutan at pilit mong ibinabaon sa ilalim ng hukay ang mapapait na alaala ngunit kahit ano o gaano mo pa ito nais kalimutan, sadyang ipapaalala nito sa iyo ang mga sakit na dinanas mo upang ipamukha sa iyo na kahit kailan man ay mananatili itong masakit na alaala.

May isang babaeng nasa labing-dalawa ang edad ang aking napagmamasdan. Nasa isang sulok ito ng isang pamilyar na kwarto habang nasa maliit nitong bisig ang isang puting teddy bear. Nalulungkot ang mga mata nito, parang gustong umiyak ngunit buong lakas nitong pinipigilan.

Biglang iniluwa ang isang malaking lalaki mula sa isang kahoy na pintuan. Matangkad at masasabing magandang lalaki.

"Asya, anak," tawag nito.

Ang bilis nang kabog ng aking dibdib dahil hindi ko kailan man lubos na maiisip ang pagkakataon na muli kong makita at mapagmasdan ang isa sa aking paboritong lalaki. Ang unang lalaking minahal ko. Lalaking miss na miss na miss ko na.

"Bakit nalulungkot ang prinsesa? Huh?" Paglapit nito sa aking batang bersyon kalakip ang kanyang matamis na mga ngiti. Ngiting hindi ko nakita nang napakatagal na panahon.

"Kasi papa, hindi na tayo nakakapasyal gaya ng dati."

"Anak, huwag ka nang malungkot. Gusto mo bang mamasyal tayo ngayon?"

"Talaga po papa?" masaya nitong sagot.

"Pero papa magagalit po si mama kung aalis tayo," dagdag nito.

"Prinsesa ko, huwag kang mag-alala kay mama mo. Akong bahala sa kanya. Ayoko lang kasing nakikitang nalulungkot ang maganda kong anak."

"Huh? Ako lang ang maganda? Paano po si Europe papa? Hindi naman siya pangit," nagtataka nitong tanong.

"Aba, syempre pati siya ay maganda. Manang-mana kaya kayo sa mama niyo."

"Pero nasa school pa po si Europe. Hindi tayo makakapasyal papa," pag-iiba ng bata. Bigla naman naging malungkot ang itsura ng batang ako.

"Sa sunod na lang natin sila isasama anak kahit tayo lang muna. Pupunta tayo sa paborito mong parke. Kakain tayo ng ice cream."

"Talaga po papa? Excited na po ako," masigla nitong sabi.

"Mabuti pa'y maghanda ka na. Suotin mo iyon bestida na binili ko para sa iyo anak ah."

"Opo papa. Sige na po labas na kayo sa kwarto. Mag-aayos na po ako," pagtataboy nito sa ama.

"Huh? Hindi. Tutulungan na lang kita. Ayaw mo no'n? Gwapo ang mag-aayos sa iyo," sabi ni papa sabay kiliti nito sa dalagitang bersyon ko.

"Papa naman eh. Tama na, hahaha," sabi nito habang natatawa sa pagkiliti sa kanya ni papa.

Nag-umpisang bumigat ang aking damdamin, parang pinipiga ang aking puso dahil sa aking napagmamasdan. Hinihiling na hanggang dito na lang sana ang pagbabalik sa akin sa nakaraan baka hindi ko kayanin ang susunod na mangyayari. Ang pangyayaring matagal ko ng pinipilit na kalimutan. Bakit ito pa? Hindi pa halos naghihilom ang sugat na nagkaugat na sa aking puso't kaluluwa.

Biglang nagbago ang itsura ng paligid. Natagpuan ko mismo ang aking sarili sa isang pamilyar na parke. Parkeng iniiwasan ko. Parkeng kahit kailan hindi ko matingnan at pangakong hinding-hindi ko na babalikan ngunit heto't tila nabali yata ang aking pangako sa sarili dahil narito ako't nakatayo habang pinagmamasdan ang buong paligid.

May mga batang naglalaro, may magkasintahan na magkahawak kamay habang naglalakad at mapapansin mo sa kanilang mga mata ang pagmamahalan sa isa't isa. Mayroon nagtitinda ng marami at makukulay na lobo.

Pitong Oras (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon