Kabanata 6

672 115 118
                                    

Asya's POV

Nagising ako sa isang kwarto. Kwartong hindi ko kilala.

May tumutugtog.

Napadako ang aking tingin sa gilid ng kamang kinahihigaan ko, may isang lumang aparatus - may isang maliit na balerinang umiikot habang may musika. Isang dancing ballerina music box. Kapansin-pansin ang manikang katabi nito, nakadilat at wala na ang kanang mata nito. May tahi rin ang bibig nito at halatang nasunog dahil sa itsura ng katawan nito.

Napansin ko rin ang aking sugat sa kanang braso ay nawala na para bang walang nangyari. Hindi ko alam kung bakit o paano ito naglaho ngunit mas mabuti na ito. Walang sugat. Walang problema.

Tumayo ako at naglakad papuntang pintuan. Ganoon na lamang ang aking gulat nang biglang kumidlat. Napakalakas ng kulog na kumalat sa loob ng kwartong kinatatayuan ko na halos napatakip pa ako sa aking mga tenga.

Nasa isa akong lumang kwarto base na rin sa mga disensyong nakikita ko habang dahan-dahan kong inoobserbahan ito. Gustuhin ko man purihin ang mga lumang kagamitan na naririto ngunit kailangan ko nang kumilos dahil bilang lang ang aming mga oras.

Tik tok tik tok.

Oras. Tama tumatakbo ang oras. Hinding-hindi ito titigil para sa amin dahil may mga sariling kamay na gumagalaw nang kusa. Kinuha ko ang bolang kristal. Tig-isa kami ni Marco. Ibinigay niya ito sa akin noong una namin pagtatagpo ngunit hindi niya nailahad ang mga kakayahan nito sapagkat kinain agad kami ng ipu-ipo pati ang dahilan kung bakit siya meron nito. Saan niya ito kinuha? May nagbigay ba sa kanya ng bolang kristal na kailangan namin sa misyon na ito?

Bolang kristal. Isang hour glass ang makikita sa loob nito. Sa bawat segundong lumilipas, unti-unti rin tumutulo ang pulang buhangin pababa senyales na tumatakbo ang oras. Mapapansin din ang isang transparent na mga numero sa loob nito. Ito mismo ang nagsasabi ng ekstaktong oras na nalalabi para sa amin. Ngayon, halos dalawang oras at kalahating minuto na ang nakalipas pakatapos namin matapos ang unang misyon.

Misyon. Tatlong misyon at dalawa na lamang. Matatapos ang isang misyon kapag nahanap ang nakalutang na bolang apoy. Sabay namin hahawakan ni Marco ito ng sa gayo'y matupok ang anumang kasalanan na mayroon kami.

Si Marco. Hindi ko aakalain na sa isang katulad niyang malaki't matipunong lalaki ay mayroon pa lang kinatatakutan. Gusto ko man malaman kung ano iyon pero mas pinili ko na lamang manahimik bilang respeto para sa kanya. Hahayaan ko siya ang mismong maglahad sa akin.

Marahan kong hinawakan ang seradura ng pintuan at dahan-dahan binuksan ito hanggang sa nagbigay ito ng puwang o tamang espasyo sa akin kung saan maaari na akong dumaan.

Isang madilim na pasilyo ang unang bumungad sa akin pagkalabas sa naturang kwarto. Kinuha ko ang bolang kristal na magsisilbing liwanag ko sa kadiliman namumuo ngayon. Sabi ni Marco, hawakan ko lang ang bolang kristal at ito na mismo ang magbibigay ng ilaw o liwanag. Parang mayroon itong sense o pakiramdam kung kailan siya iilaw o hindi.

Nag-umpisa na akong humakbang dahil kailangan ko munang mahanap si Marco. Nagpag-usapan na rin namin kanina bago kami muling kainin ng ipu-ipo na baka magkahiwalay ulit kami katulad ng nangyari sa makulay na ilog. Kailangan magkasama kami anuman ang mangyari.

Madilim. Naglalakad ako sa isang madilim at mahabang pasilyo. Mahaba dahil hanggang ngayon wala pa akong nakikita ni isang kwarto o pintuan. Tiningnan ko ulit ang bolang ilaw kung ilan oras na lang ba ang nalalabi.

Halos magdadalawampung minuto na ako sa kakalakad. Apat na oras at sampung minuto na lang ang nalalabing oras at nasa ikalawang misyon pa lamang kami.

Pitong Oras (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon