Kabanata 12

623 96 49
                                    

Asya's POV

"Asya."

Tawag nito sa akin kung saan isang matibay na patunay na hindi nga siya isang imitasyon dahil ang alam ko hindi nagsasalita ang isang doppelganger.

"Asya. Ako ito," ulit nito.

Lumapit ito sa akin. Bago man niya ako mahawakan ay bigla akong umatras na parang iniiwasan ko siya.

Tumigil ito sa paghakbang. Mayroong dumaan sa mga mata nito na isang emosyon. Kitang-kita ko ang sakit sa kanyang mukha. Nasasaktan ito sa ginawa kong pag-iwas.

"Hindi ito totoo. Hindi," kumbinsi ko sa sarili habang hinahawakan ko ang kanang dibdib na parang may nararamdamang kakaiba.

"Asya. Ako ito," ulit nito.

Natigilan ako sa sinabi niya. Nagtitigan lamang kami sa loob ng ilang minuto habang may malaking puwang na humahati sa amin mula sa isa't isa.

"Ikaw ba? Ikaw ba ang anak niya?"

Ngumiti lamang ito nang malungkot. Ipinapahiwatig na tama nga ako.

"Hindi totoo iyan Marco. Sabihin mo sa akin na hindi ikaw iyon. Na nagbibiro ka lang. Hindi ba?" hirap na hirap kong sinabi.

Ipinangako ko sa sarili noon na hindi ako magkakaroon ng kahit anong ugnayan sa mga taong may kaugnay sa lalaking kinamumuhian ko.

"Marco, sumagot ka!!"

"Ako nga. Tatay ko ang pumatay sa iyong ama."

"Ano? Bawiin mo ang sinabi mo!"

"Narinig mo ang sinabi ko. Ano ba ang gusto mong patunayan ko Asya para maniwala ka."

Huminga ako nang malalim.

"Bakit sa dinami-daming lalaki? Sa dinami-daming tao sa mundo, ikaw pa?!" bulalas ko.

"Asya."

"Alam mo ba na ipinangako ko mismo sa sarili ko na hindi ko hahayaan maugnay sa mga taong malapit sa lalaking kinamumuhian ko."

"At heto ang mapait na katotohanan! Ako ang anak ng taong kinamumuhian mo!" sabat nito.

"Ang hirap lang kasing tanggapin. Nasasaktan ak---"

"At ano Asya? Ikaw lang ba ang nasasaktan? Kayo na lang parati. Nasasaktan din naman ako. Nasaktan din ako," pagputol nito sa sasabihin ko.

Ilang sandali bago muli itong nagsalita.

"Ang hirap sa inyo, parati niyong naiisip na kayo lang ang nasasaktan, na kayo lang ang nawalan. Alam mo ba ng araw na iyon, iyon sana ang pinakamasaya kong kaarawan. Hiniling ko noon pa na sana mabuo kami pero hindi eh," umpisa nito.

Nakikinig lang ako sa kanya. Titig na titig sa kanyang mukha habang umiiyak ito. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiiyak.

"Buong buhay ko, ipinagdasal ko na sana magbago ang tatay. Galit ako sa kanya. Nagagalit ako sa kanya kasi kahit kailan hindi ko naramdaman ang isang pagmamahal ng isang ama. Lasinggero, babaero at palagi niyang sinasaktan si mi, pisikal at emosyonal. Nagtanim ako ng galit sa kanya kasi hindi ko mapigilan na mainggit sa mga kasklase ko. Sabi ko mabuti pa sila masaya, mabuti pa sila buo. Eh kami? Galit ako sa tatay dahil sa lahat ng pagkukulang niya, sa lahat ng panahon na sinayang niya. At sa katotohanan na hindi niya ako tanggap bilang isang tunay na anak. Na ikinahihiya niya ako. Ako na isang bunga ng kasalanan," mahaba nitong lintaya.

"Pero isang araw nagbago si tatay. Humingi siya ng pagkakataon na mabuo ulit kami. At dahil uhaw ako sa pamilya, ang saya-saya ko noon na sa wakas tanggap na ako ni itay. At nang araw na iyon, akala ko mararanasan ko na rin ang ipagdiwang ang kaarawan ko na kumpleto kami. Iyon kumpletong pamilya na kay tagal kong inasam," dagdag nito.

Pitong Oras (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon