Humanda Ka Marco

159 3 3
                                    

Wow! Friends pala kayo ni jandrèmeek, Marco, ah. May pa bro-bro ka pa diyan. Humanda ka lang sa'kin. Since papunta na ako sa school, nag-titwitter muna ako dahil naka 3g naman ako. Mga 30 minutes yata ang pinaka mataas na oras galing sa bahay namin papunta sa school. Minsan nga, eh, nag-cocondo na lang ako malapit sa school. Pag may mga important events or kung ipapa-istay ako ni mommy sa house namin, doon ako natutulog sa house.

After how many minutes of going to the school from the house, nakarating na kami ni mommy, daddy at ng aming driver sa school. "Bye, mom! Bye dad! Thank you, manong," sabi ko sa kanila. "Bye, anak," sabi nina mommy and daddy. "Walang anuman, Lorraine," sabi ni manong. Pagkatapos nilang pumunta sa school ko para ihatid ako, ihahatid na ni manong sina mommy at daddy diretsyo sa work nila.

Nung pumasok ako sa classroom namin, ang una kong nakita ay si Marco. Tiningnan niya ako at inignore ko siyang makita. Pumunta agad ako sa place ni Laura habang nagbabasa siya ng libro. "Hello, Lorraine. Nandito ka na pala," sabi ni Laura. "Hi. Oo naman nandito na ako. Haha! Pero, bes, may balita ako sa'yo," sabi ko naman sa kanya. "Ano 'yun?" Sipsip ni Marco. "Umalis ka nga, Marco! Private talk to, eh," sabi ni Laura kay Marco.

"O, ano 'yung balita mo?" Tanong ni Laura sa'kin. "Eh, kasi nag post si Marco ng picture sa ig tapos ang caption ay 'Hey bro! @jandrèmeek see you next time... 😎' Akalain mo naman! Friends pala sila? Wow! Pinagtitripan 'ata ako ng dalawang 'to, eh. Kaya sasabihan ko si Marco tungkol dito. Humanda lang talaga 'yang Marco Delos Santos na 'yan!" Binalita ko sa kanya. "Sige. Sabihin mo sa kanya sa lunchtime. Pero 'wag mo siyang aawayin, ha?" Advice niya sa'kin. Sinagot ko na naman siya with my obedient voice,"Okay po, Madam!" Tinawanan niya ako, "Harhar!!!"

Pagkatapos ng conversation namin, pumunta na kami sa aming mga chairs para maghanda sa aming first class.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos ng aming morning classes, lunchtime na namin. "Marco!" Tinawag ko si Marco. "Kilala mo ba si jandrèmeek? Friends ba kayo?" Sinagot niya ako pero feeling ko magkakilala talaga sila, "Uhm... Ha? Bye. Kakain muna ako ng lunch ko. Bye!" Umiiwas? Wow! Guilty? Siguro. Magkakilala talaga siguro sila. Well, I won't waste my time calling him. Kakain na rin ako ng lunch ko.

Habang kumakain kami ng lunch, napatanong si Laura sa'kin,"O, anong sinabi ni Marco?" Sinagot ko siya,"Well, hindi niya ako sinagot. I mean sumagot siya pero not my question. Ang sabi niya 'Uhm... Ha? Bye. Kakain muna ako ng lunch ko. Bye!' Kainis, noh?"

"Naku! Eh, anong ginawa mo?" Tanong niya sa'kin. "Edi, pumunta nalang ako dito sa canteen para kumain na ng lunch. Eh, ayaw ko kayang sayangin 'yung oras ko para lang sa kanya," sagot ko sa kanya. "Mabuti naman at hindi mo sinayang ang oras mo. Well, malapit na ang time. Bumalik na tayo sa classroom natin," sabi niya sa akin. "Okay po, Ms. Laura Dosche."

Pagkatapos ng aming afternoon classes, kinausap ko si Marco. "Marco!" Tawag ko sa kanya. "Ah. Ano 'yun?" Tanong niya sa'kin. "Kilala mo ba si jandrèmeek? Kasi nag-post ka ng photo sa ig tsaka minention mo siya. Tsaka finallow niya rin ako. Schoolmate din natin siya," sagot ko sa kanya. "Ahhh.... Uhm," paputol-putol niyang sagot. Sinabihan ko siya,"Ano ba, Marco? Pwede ba? Magsabi ka ng totoo, please?" Napasigaw ako ng konti. Ay! Oo nga pala dapat hindi ko dapat siya aawayin. "Ay, oo nga pala! Sorry, ha. Nasigawan tuloy kita," dagdag ko pa. "To answer your question, oo schoolmate natin siya, friends kami at oo magkakilala kami. Finallow ka niya kasi alam niya na magkakilala tayo. Quote unquote maganda ka raw sabi niya," sagot niya sa'kin, emphasizing the 'quote unquote maganda' word.

Wow! May quote unquote pa talagang sinali. Well, thanks to him talaga! "Ahh... Okay. Sabihin mo sa kanya na thank you, ha? At mabuti naman na madali ka lang kausapin," sabi ko sa kanya.

"Paging, Marco Delos Santos," pinaging si Marco sa guard. "Ah. Sige, bye! Uuwi na ako," paalam niya sa'kin. Sagot ko sa kanya,"Okay. Salamat for answering my question. Bye!"

Mabuti naman at sinagot niya 'yung tanong ko. Madali lang naman pala siyang kausap, eh. Pero not super madali. "Paging, Laura Dosche," pinaging si Laura. Paalam ni Laura,"Bye, bes!"

"Okay! Bye, bes," sagot ko sa kanya.

My Instagram Follower Slash StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon