"Laura!" Tinawag ko si Laura para makita niya ako. Kasi naman ang dami daming students dito sa school baka hindi ako makita agad ni Laura. "Saan ka bes?" Sabi niya habang naghahanap sa'kin. Para hindi na siya mahirapan pang makita ako pupuntahan ko nalang siya.
"Nandito na ako sa likod mo," sabi ko sa kanya dahil nakarating na ako malapit sa kanya. Sagot ni Laura, "Ah. Nandiyan ka naman pala, eh. Sorry hindi kita nakita agad, ah. Marami kasing students."
"Okay lang naman bes. Tara na sa classroom," sabi ko sa kanya bago pa kaming malate. "Sige, Lor."Hindi pa naman talaga malapit ang time pero malayo kasi ang classroom namin,eh, so pumunta nalang kami.
Pagdating namin sa classroom, nagchikkahan kami, "Bes, nagpost ako ng picture kagabi tapos nilike agad ni jandrèmeek at aba! Nag comment pa siya. Tapos sa comment niya may emoticon na naman na ang mukha ay may heart sa mga mata ng emoticon," sabi ko sa kanya. "Stalker talaga siya," dagdag ko. "Wow! Paano mo namang masabi na stalker mo siya?" Tanong niya sa akin. Tanongera din naman pala ang best friend ko. Hahaha! Parehos kami. To answer her question, sinagot ko siya, "Kasi naman mga 10 or 6 minutes ago ko lang pinost 'yung picture na 'yun. Tapos nag-like siya mga 5 minutes 'ata 'yun, eh. Tignan mo kaya sa ig para makita mo 'yung comments and likers," nasabi ko sa kanya sa medyo mataas na boses ko. "Hinaan mo kaya boses mo. Sige later ko nalang i-check. Matagal na rin akong wala nag ig, eh," sabi niya sa'kin.
Nag-stop kaming nag chikka kasi nandito na ang teacher.
After sa aming morning class, lunch time na namin. Kaya pumunta kami sa canteen para kumain. Pagdating namin sa canteen, sinalubong kami ni Marco. Sabi niya, "Ano 'yung sinabi mo kay Laura kanina sa classroom? Malakas kasi 'yung boses mo kaya narinig ko." Patay! Ang lakas kasi ng boses ko kanina. Dapat sana hininaan ko pagsabi kay Laura. Nalaman niya na tuloy! "Uhm... Kasi... Kasi may nagstalk sa akin. Kaya non of your business! MYOB nga," sabi ko sa kanya sa nahihiya slash maldita na boses ko.
Habang kumakain kami ni Laura sa canteen, tinanong ako ni Laura, "Bakit naman kasi nilakasan mo 'yung boses mo kanina? Narinig ka tuloy ni Marco." Sagot ko, "Kasi naman naiinis na ako kay jandrèmeek. Hindi ko kasi siya kilala tapos ako kilala niya ako. Unfair, diba?" Sinabihan niya ako, "Hindi mo pala siya kilala? Eh di, nevermind him nalang! Kasi hindi mo siya kilala, diba?" May point din siya pero para sa'kin naiinis na ako kay jandrèmeek at kay Marco, eh. Hindi kaya, pinagtitripan lang ako sa mga taong 'yun. "Bahala na nga! Kumain nalang tayo," sabi ko sa kanya.
After our lunch time, nag start na 'yung classes namin sa afternoon. Pagkatapos naman ng aming afternoon classes, dismissal time na namin.
Sa dismissal namin nag vivideo kami ni Laura gamit ang bagong iPhone niya. Ginamit namin 'yung "time-lapse". Tapos tinignan namin 'yung video tsaka kami tawa ng tawa. Nakakatawa rin namin kasi 'yung mga mukha namin, eh.
Pagkatapos 'nun, umuwi na kami. Pero unang umuwi si Laura kaysa sa'kin.
BINABASA MO ANG
My Instagram Follower Slash Stalker
Novela JuvenilThe story is about a girl who has a stalker. The girl has a best friend who thinks a boy likes her. Do you want to know what will happen next? Read the story. By: Christine Melecio lafeveroughter