CHAPTER EIGHT

71 4 0
                                    

Natapos naman kaming mananghalian habang sya ay bumalik na sa higaan ko at ako naman hinugasan ang mga pinagkainan namin.

Napatingin naman ako sa pagkaing niluto ni James na hindi ko kinain dahil simula ngayon hindi na ako tatanggap pa ng kung ano sa kanila.

Inabot ko iyon at binitbit. Nagtungo ako ng pinto para ipakain na lang sa mga galang pusa sa labas.

"Saan ka pupunta?" Pigil sakin ni Paul.

"Ano sa tingin mo? Sa labas malamang." Pilosopo kong sambit.

"Bakit? Anong gagawin mo sa labas?"

"Wag ka na ngang maraming tanong." Naiirita kong sabi sa mga tanong nya kaya mabilis na pinihit ko ang doorknob saka lumabas.

Humuni naman ako para tawagin ang mga pusa at nagsilapitan naman ang mga iyon. Hinimay himay ko muna ang dalang pagkain at saka hinalo sa sinangag para hindi lang ulam ang kainin nila. Ibinuhos ko na lang sa sahig iyon at pinagmasdan sila.

Halatang gutom na gutom ang mga ito. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa naisip ko na walang nagaalaga sa kanila dito sa napakalaking syudad. Kailangang mamuhay ng mag-isa. Pinagmasdan ko lang silang kumain habang pasimpleng hinihimas ang mga balahibo nila. May dumating naman na isang kuting at huli na sya ng dating dahil ubos na.

Bigla naman akong naawa ng maghanap sya at napalapit sakin. Ang cute pa naman kaya hindi ako nakatiis. Bumalik ako sa loob para kumuha ng natirang pagkain namin ni Paul.

"Ang tagal mo naman,"

"Pinakain ko pa kase yung mga pusa sa labas. Kawawa naman." Sabi ko saka nagsalin ulit ng kaunting kanin saka ulam at hinalo iyon para sa kuting na nahuli.

"Ano na naman iyang ginagawa mo?"

"Paul, pwede ba? Manahimik ka na lang dyan. Hayaan mo na lang ako dito, okay?" Naiinis kong sabi sa mga paninita at panenermon nya sakin.

Lumabas naman ulit ako at napangiti na lang ako nang makita kong nanduon pa din ang kuting na naghihintay sa labas ng pinto.

"Hinintay mo talaga ako ah. Wag ka magalala sayo lang 'to". Kausap ko sa kuting at saka naupo't pinakain na sya.

Hindi naman sya agresibo bagkus napakalambing nya pa. Parang gusto ko tuloy syang ampunin. Tinitigan ko lang sya habang kumakain ng mahinahon. Hinimas ko ang balahibo nya at hindi naman sya pumalag.

"Perky," Narinig kong tinig ng babae na parang may hinahanap. Napalingon naman ako sa gawi nito na mabilis ko din namang inalis.

"Perky!" Nagaalalang tawag nya ulit. Nagtaka naman ako kung sino ang hinahanap nya.

"Uhm! Excuse me, may nakita ka.....Perky! what are you eating over there?" Sabi ng babae saka mabilis na hinablot yung pusang pinapakain ko.

So, Perky pala ang pangalan ng pusa. Hindi ko alam na may nagmamay-ari pala sa pusang iyon.

"Anong pinakain mo sa kanya?" Masungit na turan nya sakin. Tumayo muna ako para sagutin sya.

"Pinakain ko lang kase naawa ako,"

"Hindi mo kailangang maawa sa kanya. May sarili syang pagkain."

"Nagugutom kase kaya pinakain ko,"

"Oh! Gosh, perky baka mamatay ka dahil sa kinain mo. Are you trying to poison my cat?" Sabi nya sa malakas na tinig.

Napatikhim naman ako dahil sa akusasyon nya na nilalason ko ang pusa nya.

"Hindi ko kayang gawin 'yon. At saka walang lason yung pinapakain ko sa kanya."

"You don't have the right to do that. I can feed her by my own."

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon