CHAPTER SEVENTEEN

57 3 0
                                    



Alas dos na ng madaling araw nang makarating ako ng dorm pagkagaling ko sa part time job ko. May bigla namang plano ang tumakbo sa isip ko. Naisip ko na sa mga oras na ito ay mahimbing na silang natutulog at pwedeng pwede kong isagawa ang plano ko.

Ang plano kong pagtakas dahil hindi ko na matiis at makayanan pa ang ginagawa nila at pinapagawa nila sakin. Pakiramdam ko masyado na nilang niyayapakan ang pagkatao ko.

Hindi porket alam nila ang tunay kong pagkatao ay maari na nilang gawin sakin ang lahat ng ito. Hindi pwedeng hahayaan ko na lang sila na ipagpatuloy ang pambababoy nila sa katawan ko ngunit sa isang bahagi ng utak ko ay ayaw ko din talagang umalis dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta pero desperado na talaga ako. Gustong gusto ko ng umalis at magpunta sa isang lugar kung saan hindi na nila ako mahahanap.

Dahan dahan naman ako sa pagkilos ko nang makapasok na ako dorm. Marahan kong isinara ang pinto upang hindi makagawa ng ingay. Nakapatay na ang sindi ng ilaw at nakikita ng mga mata ko na tulog na silang lahat.

Hindi ko na nagawa pang magbihis at dali daling lumapit sa cabinet saka isa isang isinilid sa maleta ang mga gamit ko ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.

Maingat kong isinara ang zipper ng maleta at isinukbit na lang ang bag sa balikat saka dahan dahang hinila ang maleta patungong pinto.

Pinihit ko na ang doorkno para buksan ang pinto. Mabilis na inilabas ko ang maleta saka sumunod. Hindi na ako nagatubili pang magmadali nang tuluyan na akong makalabas ng dorm.

Kahit may pagaalinlanga dahil hindi ko alam kung saan ba ako pupunta pero nandito na ako at kailangan ko na itong panindigan. Halos sumabog na ang puso ko sa sobrang kaba sa mga oras na iyon.

Napabuntong hininga na lang ako para bawasan ang kabang nananalaytay dito sa dibdib ko. Malapit na ako sa hagdan nang makarinig ako ng yabag na paparating. Sinilip ko naman iyon mula sa taas at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Joven na paakyat.

Ang buong akala ko ay nandun na silang lima. Sa sobrang kaba ko na baka mahuli ako. Dali dali kong itinago sa sulok ang dala kong maleta at nagpanggap na kakauwi ko lang. Inayos ko ang sarili at hindi hinayaang magmukhang tensyonado.

"Cy, hindi ka pa napasok?" Tanong sakin ni Joven.

"Papasok na din naman ako. Kakauwi ko lang kase galing trabaho. Sabay na tayo." Sabi ko habang pinipilit ang sariling itago ang kaba sa mukha ko.

"Mauna ka na. May tatawagan pa ako".

"O-Oh! Sige." Saka naglakad na lang pabalik ng dorm.

Napahilamos naman ako sa mukha ko dahil muntikan na akong mahuli. Umakto na lang ako na kakauwi ko lang galing trabaho. Pumasok na lang ulit ako sa dorm. Nakapatay pa din ang sindi ng ilaw at tulog pa din sila. Hindi ko napansin na wala pala ang isa sa kanila at 'yon ay si Joven.

Nagtungo na lang ako sa kama ko at agad na nahiga. Inilapag ko na lang ang bag ko sa gilid ng kama ko at nagtalukbong ng kumot para ipakitang tulog na ako. Hihintayin ko na lang si Joven na makapasok at makatulog saka na ako aalis.

Hindi naman sya nagtagal sa labas at pumasok na din. Naghintay ako ng sampung minuto at siniguro ko munang tulog na si Joven. Nang makumpirma kong tulog na si Joven ay saka dahan dahan akong bumangon habang bitbit ang bag ko.

Tinungo ko na lang ang pinto para makaalis na. Pinihit ko na ang door knob at nag-unlock naman iyon ngunit hindi bumukas. Napatingin naman ako sa taas ng pinto at nakakandado na iyon. Bigla naman akong nanlumo. Nawala sa isip ko na kinakandado na pala nila iyon. Hindi ako makakalabas dahil wala akong susi nun kundi sila lang dahil para siguruhing hindi ako makakatakas.

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon