CHAPTER FORTY THREE

35 1 0
                                    

Isinisilid ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag ko ng bigla namang sumulpot sa tabi ko ang presensya ni Paul. Napatingin ako sa gawi nya at mababakas sa mga labi nya ang isang matamis na ngiti.

Napakunot noo naman ako kung bakit parang may kakaiba sa ngiti nya. Hindi ko na lamang iyon pinansin.

"Ako na magdadala dito sa bag mo," Sabi nya sabay kuha sa bag ko at isinukbit sa balikat nya saka naunang lumabas ng silid.

"Hindi ko pa nga nasasara yung zipper ng bag ko. May gamit pa nga akong ilalagay." Kausap ko sa sarili saka mabilis na sinundan sya.

"Teka lang, bukas pa yung bag ko,"

Isinilid ko na ang natitirang gamit na bitbit ko saka sinara na ang zipper.

"Akin na yung bag ko."

"Ako na,"

"Ano? Yung bag ko. Ako na magbibitbit,"

"Tara na, babe. Uwi na tayo." Sabay inakbayan ako at iginiya maglakad.

Hindi man lang nya pinansin yung sinabi ko. Hinayaan ko na lamang sya sa gusto nya.

"Paul, dadaan muna pala ako ng dorm,"

"Samahan na kita,"

"H-Hindi na. Dumiretso ka na sa inyo."

"Napansin ko lang na parang ayaw mo na akong pumupunta sa dorm mo,"

Nataranta naman ako sa sinabi nyang iyon. Inilihis ko na lang ang tingin at saktong nagtama naman ang tingin namin ni James na makakasalubong namin sa paglalakad.

Nakatingin ito sakin ng masama kaya mabilis na tinanggal ko ang pagkakaakbay ng kamay ni Paul sa akin.

Huminto si James ng makalapit sya sa amin kasama si Joshua na nagpahinto sa akin sa paglalakad. Napahinto na din si Paul sa ginawa ni James. Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil ang lapit ni James kay Paul.

"Three nights, Cy." Pagpapaalala na may pagbabanta na turan sa akin ni James saka nilampasan na ako.

Nakahinga naman ako ng tuluyan ng makalayo si James. Nilingon ko ito at hindi pa din nya ako nilalayasan ng tingin.

"Tara na, Paul."

"Anong ibig nyang sabihin?" Nagtatakang tanong ni Paul.

"Wag mo na lang pansinin,"

"Nagpaalam ka sa kanya?"

Hindi ko naman nasagot agad ang tanong nyang iyon.

"Bakit ba kailangan mong magpaalam sa kanya? Kaano ano mo ba yung lalaking yun? Kung umasta akala mo pag-aari ka nya." May inis na sabi nya.

"Umuwi na lang tayo," Sabi ko na lamang saka nauna ng maglakad palabas ng gate.

"Inaalila ka ba nung James na 'yun?"

"Bakit mo naman naisip 'yan? Hindi naman nya magagawa sakin 'yun." Patuloy kong pagtatakpan kay James saka binuksan na lang ang pinto ng dorm.

"Pasok ka muna." Sabi ko.

Agad na nagtungo ako ng kama ko para kunin na ang bag at para makaalis na din. Tiniyak ko muna na kumpleto ang dala ko para hindi na ako babalik pa.

Nagtungo na lang muna ako ng cabinet ko para magdagdag pa ng isang damit.

Napansin ko naman ang pagiging tahimik ni Paul kaya tinapunan ko ito ng tingin. Nakita kong nililibot nya ang kabuuan ng dorm.

"May gusto ka ba, Paul?"

"Why keep on asking that question? Alam mo naman kung sino yung gusto ko. Hindi mo ba kilala sarili ko."

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon