CHAPTER FORTY SEVEN

35 1 0
                                    

Kinabukasan maaga kaming pumasok ni Paul, hindi katulad kahapon na talagang pinilit ko pa syang bumangon para lang pumasok.

"Admirer, mauna ka na, may dadaanan muna pala ako."

"Gusto mo samahan na kita? Maaga pa naman eh."

"Hindi naman ako magtatagal."

Hindi ko na lang pinilit ang sarili pang sumama sa kanya kaya mas minabuti kong magtungo na lang ng silid.

"Come here, I'm going to ask you a lot of things." Bungad sa akin ni Vanessa na para bang may nagawa akong kasalanan.

"You're now keeping secrets to me huh!"

"Ano namang ililihim ko sayo?" Naguguluhan kong turan sa kanya.

Inaya nya muna akong maupo at kapag kuwan ay mariin akong tinitigan at pinanlisikan ng mata.

"So, baka naman gusto mo magkuwento sakin,"

"Ano namang ikukuwento ko sayo? Alam mo diretsuhin mo na lang kaya ako. Hindi talaga kita makuha."

"Why you didn't tell me that you both have something?"

"Kami ba ni Paul ang tinutukoy mo?"

"Yup,"

"Wala namang kami."

"Nagtatampo ako sayo,"

"Bakit naman?"

"Hindi ko alam kung anong meron ka kung bakit ganyan ka na lang pakitunguhan ni Paul," Malungkot na tono ng boses nyang sabi.

"Kung iniisip mo na may namamagitan samin ni Paul, para sabihin ko sayo wala."

"But anyways, congratulations,"

"For what? Wala naman akong matandaan na sinalihan ko ah. Alam mo naguguluhan na talaga ako sayo, Vanessa."

"It's not about it,"

"Eh! Tungkol naman saan?"

"Because you're engage,"

"Anong engage? Anong pinagsasabi mo? Hindi pa ako engage, ano ka ba?" Mariin ko namang tanggi.

"Nakita ko MyDay ni Paul kahapon kaya wag mo ng itanggi. Look at your hands, what do you think is the meaning of that?"

Nagtatakang tiningnan ko naman ang aking kamay at laking gulat ko ng makitang may suot akong singsing sa kaliwang kamay.

"Hindi ko alam kung paano ko nasuot 'yan,"

"Stop denying it. I'm happy for the both of you."

"Nagkakamali ka sa iniisip mo, Vanessa."

"Gusto mo bang masaktan si Paul kapag nalaman nyang itinatanggi mo sa lahat ng tao ang engagement ninyo."

"Ano?" Gulong gulo ko ng sabi.

"Congrats," Bati sa akin ng kararating lang na si Kiara.

"Wala namang ibig sabihin yun at ito, hindi ko alam kung paano napunta sa akin 'to." Pagtutukoy ko sa singsing na suot.

Tinangka kong hubarin ang singsing ngunit pinigilan ako ni Kiara at Vanessa.

"What do you think you're doing?" Singhal sa akin ni Kiara.

"Cy, stop it. A lot of eyes has seen what has been posted. I know what you feel right now and it's normal." Kalmadong wika ni Vanessa.

"Vanessa and I, See how scared you are right now but who cares, right? The right thing you should do for him is to show him happiness of being together." Kausap sa akin ni Kiara.

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon