CHAPTER FIFTY SIX

27 1 0
                                    

Naglalakad na kami nuon ni Paul sa hallway nang makasalubong namin si Tobi. Huminto naman ito sa paglalakad nang makalapit sa gawi namin. Una akong huminto sa paglalakad at tinapunan sya ng tingin.

"Can I talk to you, Cy?" Pangunguna nya.

"Ang lakas din talaga ng loob mong lumapit pa kay Cy pagkatapos ng ginawa mo sa kanya,"

"I just want to talk to him,"

"Hindi na sya makikipagusap pa sayo kahit kailan kaya makakaalis ka na," Pagtatabuyan ni Paul kay Tobi.

"Sino ka ba sa inaakala mo? Ano ka ba ni Cy? Sinabi nya sa akin na magkaibigan lang kayo kaya 'wag kang umasta na may namamagitan sa inyong dalawa," May inis na sabi ni Tobi kay Paul, nang makuwento ko sa kanya ang tunay na namamagitan sa amin nuong hindi pa umaamin sa akin si Paul.

Napatingin naman sa aking gawi si Paul nang marinig iyon mula kay Tobi marahil ay nagtataka kung paano nito nalaman ang tungkol sa bagay na iyon kahit pa na umamin na naman sya sa akin. Umiwas na lamang ako ng tingin.

"Wag kang umasang makakausap mo si Cy. Umalis ka na," Pagtatabuyan nya rito.

"Cy, are you letting this guy made the decision for you? Please talk to me." Pagsusumamo nya habang pilit na lumalapit sa akin ngunit pilit naman akong inilalayo ni Paul sa kanya para hindi ito makalapit sakin.

I feel like he was guarding me at this moment gayong may pinanghahawakan kaming pareho at 'yon ay ang inamin nyang damdamin sa akin.

"You will never get any chance to have a talk with him. So, move!" May inis na sabi ni Paul habang hawak ang kwelyo ng suot nitong uniporme.

"Cy," Nagmamakaawang turan sa akin ni Tobi.

"Ang kulit mo din 'no," Nabigla naman ako nang bigla nyang suntukin si Tobi.

Nabahala naman ako sa ginawa nyang iyon dahil ayaw ko na ako mismo ang panggalingan ng gulo at ang maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang tao.

Muntikan na itong mawalan ng balanse dahil sa ginawang pagsuntok ni Paul. Dali dali ko namang nilapitan si Tobi.

"Bakit mo naman ginawa 'yon?" Inis na turan ko kay Paul nang malapitan ko si Tobi na hawak ang bandang sinuntok ni Paul.

"Ayos lang naman sakin na mag-usap kami kahit sandali. Hindi mo naman kailangan manakit ng ibang tao. Hindi ikaw 'yong magde-desisyon para sa akin."

"Cy, bumalik ka dito."

"Paul, hayaan mo muna kaming mag-usap, okay?" Kalmado kong sabi dahil ayaw kong hawaan ang sarili ko ng tensyon.

"Pagkatapos ng ginawa nya, hahayaan mo pa din syang lumapit sayo?"

"Hindi naman nya sinasadya iyon. Wala din namang masama kung mag-uusap lang kami sandali."

"Mamili ka saming dalawa, ako o 'yang gagong lalaking 'yan?"

"Bakit ba kailangan pa tayong umabot sa ganyan? Mag-uusap lang naman kami."

"Just choose,"

"Wag mo naman gawin sakin 'to, Paul."

"Kapag pinili mo sya, wag kang umasa na kakausapin pa kita."

Hindi ako umalis sa tabi ni Tobi na nagsasabing pinipili ko ito at dahil na din sa gusto ko munang ayusin ang nangyare nung nakaraang isang araw sa pagitan namin.

"Mas pinipili mo pa sya kaysa sakin. I'm the one who were always there for you whether you need me or not. Not like him who were just once there for you in just a short time." Tumigil sya sandali at impit na tumawa.

"So, you're choosing him over me then we're over. Kalimutan mo na lang lahat ng sinabi ko sayo,"

Hindi ko na pinigilan pa ang pag-alis niya nang piliin ko si Tobi kaysa sa kanya.

"Masakit pa ba?" Pangongonsulta ko sa kanya.

"I'm fine,"

"Pasensya ka na sa inakto ni Paul. Pasensya ka na din ng dahil sa akin nasaktan ka pa." Panghihingi ko ng dispensa.

"He acts so weird like he owns you,"

"Wag mo na lang syang pansinin,"

"Anyways, I just want to say sorry for what I did the other day at the bar," Kausap sa akin ni Tobi.

"Ayos lang 'yon. Nakalimutan ko na din naman," Pagdadahilan ko kahit pa na hindi na mawawala iyon sa isipan ko.

Umiiwas lang ako sa gulo. Minsan mas mabuting ikubli na lang ang totoong nangyare kaysa isiwalat pa kung hindi naman maganda ang idudulot nito.

"What do you want me to do for me to gain your trust again?"

Magtitiwala pa ba ako sa kanya?

"Wala kang dapat gawin. Hindi mo din kailangan mag-alala. Nagkausap na naman tayo at wala naman akong nakikitang mali para hindi ka pagbigyan."

"Salamat, Cy."

"Kalimutan na lang natin 'yon. Lahat naman tayo nagkakamali paminsan minsan." Turan ko na lang para malihis na ang usapan.

"Want to eat somewhere? My treat." Pang-aalok nya.

Hind na naman ako nagatubili na tanggapin iyon nang yayain nya ako.

Habang magkasama hindi ko naman mapigilan ang sariling hindi isipin si Paul.

"Stop thinking about him. Start thinking about me."

"Hindi pa ako nagbibigay ng sagot sa tanong mo kaya sana wag ka munang umasa sakin."

"It's fine. At least I know my place," May ngiti sa labi nyang wika.

Napangiti na lang din ako dahil kahit papaano sinusubukan nyang pagaanin ang pakiramdam ko. Hindi din naman masama kung magkakagusto din ako sa kanya kaso may pag-ibig na akong pinangakuan at hindi para sa kanya iyon.

Hindi ko na din sinabi sa kanya dahil ayaw ko syang masaktan pero sa isang banda marapat lang din na sabihin ko na agad sa kanya para hindi na sya umasa pa at maghintay sa akin.

Kaysa mag-isip ay itinuon ko na lang ang pansin sa kasama kong ito at kumakausap sa akin. Wala naman naging pagbabago sa pakikitungo namin sa isa't isa na parang kagaya lang din ng una naming pagkikita.

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon