CHAPTER FIFTY FOUR

29 1 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas matapos ang karanasang hindi ko malilimutan sa buong buhay ko, iyon ay ang makasal sa taong gusto ko.

Kung pwede nga lang na ipilit ko kay bathala na syang humahawak sa tadhana ng bawat tao ay gagawin ko.

Binasa ko ang mensahe ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Galing iyon kay Tobi.

"Tobi," Sambit ko sa pangalan nya ng sagutin nya ang tawag ko.

"I'll fetch you at five in the afternoon. Ready yourself," Natatawa nyang sabi sa kabilang linya.

"Sige, hihintayin kita."

Nang maputol ang usapan namin ay agad na inasikaso ko ang sarili pati na din ang aking susuotin para mamaya.

"Aalis ka?" Pagtatanong ni James sa akin na matutunugan mo ng hindi pagsangayon.

"Oo. May pupuntahan lang kami ng kaibigan ko,"

"Kaibigan o kakantutan mo?"

"Ayaw ko ng gulo, James."

"Ayusin mo lang. Kung kani kanino ka na lang nagpapagamit."

Bumaba na lang ako ng dumating na si Tobi. Paalis na kami nuon ng biglang dumating si Paul.

"Cy," Narinig kong tinig ni Paul.

Napatingin naman ako sa kanya ng lumapit ito sa gawi ko.

"Paul, anong ginagawa mo dito?" Pagtataka ko.

"Yayayain sana kita na manuod ng sine. Bumili na ako ng ticket para sating dalawa," May galak na sabi niya sa akin.

Napatingin naman ako kay Tobi na nandito din para sunduin ako dahil aalis kami ngayon ayon sa napagkasunduan naming araw.

"We've already made plan for this day and he is coming with me," Sabat naman ni Tobi.

"May bagong movie ngayon at gusto ko sanang isama ka manuod,"

Hindi ko naman alam ang sasabihin sa kanilang dalawa na pareho akong inaaya sa mga gusto nilang puntahan ngunit nangako na kase ako kay Tobi nung nakaraang linggo pa.

"Sorry Paul pero kay Tobi ako sasama dahil napag-usapan namin na ngayon kami aalis. Baka pwedeng bukas na lang tayo manuod ng sine,"

"Saan ba kayo pupunta?" May inis na sabi niya marahil ay tinanggihan ko ang pang-aalok nya.

"It's none of your business," Mariing wika ni Tobi.

"Pasensya ka na talaga. Wag ka mag-alala aagahan ko na lang bukas,"

"Pwede naman siguro na ako muna yung samahan mo at makakapaghintay naman siguro 'yang pupuntahan nyong dalawa ngayon,"

"Don't be such a rude, dude. Wag mo ng pilitin si Cy na sumama sa'yo dahil hindi lang kami basta aalis ngayon and just so you know, we are going on a date,"

"Date?" Hindi makapaniwalan nyang sabi.

"If you may, can we go now? Let's go, Cy." Sabi ni Tobi saka hinigit na ako upang maglakad.

Tinapunan ko na lamang ng tingin si Paul saka tumalikod na lang din at sumunod na lang kay Tobi.

Napahinto naman ako nang may humawak sa kamay ko at dahilan para matigil ako sa paglalakad. Nilingon ko naman ang nagma-may-ari ng kamay na iyon.

Nakikita naman ng mga mata ko ang dismayadong hitsura ni Paul habang hawak hawak ang aking kamay.

"I know it is rude pero sa akin ka sasama ngayon," Sabi ni Paul saka hinigit ako patungo sa direksyon nya.

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon