CHAPTER SIXTY TWO

29 0 0
                                    

Cypress POV

"Babe, nandito na ako." Wika ko habang kausap ang kasintahan sa kabilang linya.

Nandito ako ngayon sa parking lot ng isang building na pinuntahan namin kung saan nakatira ang pinsan nya. Nagpaalam sya sa akin na magbabanyo lang saglit at pinauna na akong magtungo dito.

"Hintayin mo na ako. Malapit na din ako. May gusto ka ba?"

Napaisip naman ako sa sinabi nyang iyon. Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko nang may kalokohan akong naisip.

"Pwede bang ikaw?"

"Ikaw, babe, ah. Maya gawin natin ulit 'yang iniisip mo."

Kinilig naman ako sa sinabi nyang iyon at para bang may kumikiliti ngayon sa tinggil ko. Agad ko namang sinuway ang sarili dahil sa inaakto nito.

"Alam mo ba kung anong iniisip ko?"

"Yup," May kumpiyansa nyang sabi.

"Ano?" Panghahamon ko.

"I'll show you when we get home."

"Kung ano man 'yang naiisip mo, sasabihin ko sayo na hindi 'yan katulad ng iniisip ko."

"Bakit? Alam mo din ba kung anong iniisip ko?"

Natawa na lang ako sa bagay na pinaguusapan namin kahit na halata naman kung ano iyon.

"Babe, may iba na pala akong gusto," Wika ko.

"Eh! Ulol! Sino?"

"Yung gatas mo. Yung gatas mo lang naman yung bago kong gusto. Pwede ba akong makahingi ng kahit kaunti mamaya?"

Napahawak na lang ako sa sariling bibig habang pilit pinipigilan ang sariling matawa dahil sa nabibigkas ng aking bibig.

"Babe, don't do this to me. Nandito ako sa banyo baka nakakalimutan mo."

"Hindi naman kita pipigilan kung anomang gagawin mo dyan,"

"Humanda ka sakin,"

"Nakahanda na naman ako kanina pa. Tara na sa kama."

Hindi ko naman makilala ang sarili dahil sa pagiging malandi nito marahil ay komportable na ako sa lahat ng bagay sa tuwing sya ang kausap at kasama ko. Nasanay na lang din ako dahil sya din mismo ang nagpaparamdam sa akin ng ganito.

Pinutol ko na lang ang pag-uusap namin para makapagbanyo na sya. Habang naghihintay inabala ko na lang muna ang sarili sa kaka-browse sa newsfeed ko.

Isinandal ko na lang ang sarili sa sasakyan nyang malapit sakin.

Napansin ko naman na tumatagal na sya. Nakunot ang noo ko nang maalala ko ang sinabi nya. Tinuloy nya siguro ang balak gawin kaya hindi pa sya nakakabalik.

Hindi ko na lang pinansin at inabala na lang muli ang sarili. Habang tumatagal, hindi ko naman maiwasang mainip at mapaisip kung ano ba talagang ginawaga nya sa banyo.

Dinial ko na lang ang number niya saka inilapat ang cellphone sa tainga. Nag-ring naman iyon kaya hinintay ko lang na sagutin nya.

Nagawi naman ang tingin ko sa isang lalaking naka-hoodie. Wala naman sa isip ko ang tignan sya pero napupukaw nya ang atensyon ko. Hindi ko naman iwinaglit ang tingin sa lalaking tingin ko mapapadaan sa gawi ko.

Napaismid naman ako ng hindi nya sagutin iyon, kaya tinawagan ko sya ulit. Napukaw na naman ulit ang atensyon ko ng lalaking ito na nakalampas na sakin. Kahina hinala ang kilos nya.

Napatingin naman ako sa sahig nang may mahulog sya duon.

"Excuse me?" Turan ko at napahinto naman ito sa pagsasalita ko ngunit nanatili syang nakatalikod sa akin.

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon