CHAPTER SIXTY THREE

28 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at hindi ko na kayang tiisin pa ang pagbabawal sa akin ni tita na dumalaw. Nandito ako ngayon sa tapat ng ospital kung saan naka-admit si Paul. Nag-aalangan man akong pumasok pero gusto ko ding kamustahin ang kalagayan ng aking kasintahan.

Marahan akong pumasok ng kanyang silid kahit na binabalot ako ng kaba dahil sa mga binitawang salita ni Tita bago ko lisanin ang lugar na ito. Nadatnan ko naman duon si Tita na pinapakain si Paul.

Hindi ko maiwasang hindi masaktan sa nakikita kong kalagayan nya. Kung napapasa lang sana yung sakit na natamo nya ay tatanggapin ko lahat iyon. Hindi ko kayang makita syang ganyan.

"What are you doing here?" Sabi ni Tita na para bang hindi nya gusto ang pagdalaw ko.

"G-gusto ko lang pong kamustahin si Paul."

"He is fine. You can leave."

"Mom," Rinig kong pag-aalo nya sa kanyang ina.

"I want to talk to him." Mahinahong wika ni Paul kay Tita.

Iniwan naman kami nito at hinayaan akong makausap ang kanyang anak. Naupo ako sa upuan sa tabi ng kanyang hinihigaan.

"K-Kamusta ka na? Kamusta na pakiramdam mo?"

"Dapat ko bang sagutin 'yang tanong mo kung nakikita mo naman yung sagot."

Natahimik naman ako sa sinabi nyang iyon at hindi agad nakapagsalita.

"Why you didn't tell me everything? Why you keep on hiding to me? Bakit sa ibang tao ko pa nalaman? May dapat pa ba akong malaman, Cy?" Sunod sunod nyang tanong sa akin.

"How come you could hide this all along for such a long time to me?"

"Huminahon ka. Hindi makakabuti 'yan sa kalagayan mo." Pagpapakalma ko sa kanya.

"You think, makakabuti sakin yung ginawa mong paglilihim sakin nito,"

"Saka na tayo mag-usap kapag maayos na ang kalagayan mo. Ayaw kong lumala ang kalagayan mo." May pag-aalala kong turan sa kanya.

"Bakit hindi pa ngayon? Paano mo nagawa sakin 'to?"

"Gusto kong malinawan, talaga bang nagpapagamit ka sa kanila?"

Naturilo akong bigla ng itanong nya ang tungkol sa bagay na iyon.

"Bakit kailangan mong magsinungaling sakin? Sagutin mo ko, Cy. Naguguluhan ako." Pagsusumamo nya.

"N-Nagpapagamit ako sa kanila dahil ayaw kong saktan ka nila. Ginawa ko lang ang lahat ng iyon para hindi ka masaktan. Ayaw lang kitang masaktan."

"You didn't trust me all this time. Tingin mo ba hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Tingin mo din ba hindi kita kayang protektahan. Pakiramdam ko tuloy ang hina ko sa paningin mo."

"I trusted you. Hindi ko sinabi sayo dahil natakot ako na baka pandirihan mo ko kapag nalaman mo."

"Why you're so unfair? Alam mo pero hindi mo man lang sinabi sakin."

"Natakot lang talaga ako."

"Pero hindi ka natakot para sakin? Wala akong kaalam alam, Cy. Halos hindi ako makalaban dahil wala akong alam. Nagulat na lang ako nang bigla akong suntukin ni James, iniisip kung ano bang nagawa ko sa kanya. Pakiramdam ko tuloy wala akong kwenta nung mga oras na pinagtutulungan ako ng mga gagong 'yon kase nga wala akong alam sa nangyayare na sa simula pa lang alam mo na. Hindi mo man lang ako sinabihan para kahit papaano sana naging handa ako. You're just proving to me that I'm weak in your eyes."

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon