CHAPTER FORTY FIVE

28 1 0
                                    

Paul's POV

Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko ng mapansin kong hindi pa din umaakyat si Cy mula pa kanina.

Halos magdadalawang oras na din simula nung umakyat ako at ngayon hindi pa din sya umaakyat. Nagkibit balikat na lang ako.

Natawa ng bahagya dahil masyado akong nag-aalala kahit alam ko namang nandyan lang sya sa baba at aakyat din naman iyon once na inantok.

"You're crazy, Man." Sita ko sa sarili ng mapansing kusang ngumingiti ang mga labi.

Ibinalik ko na lang ang atensyon sa ginagawang power point presentation.

Habang lumilipas ang oras at halos ala una na pero hindi pa din umaakyat si Cy. Labis na naman akong nagtaka kaya mabilis na bumaba ko ng higaan saka lumabas ng kwarto.

Nagmamadaling bumaba na lang ako para tignan si Cy kung ano ng ginagawa nun. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan ng madatnan ko si Cy na natutulog na sa sofa.

Napahinto naman ako sa pagbaba at bahagyang napatawa. Hinakbang ko na lang pababa ng hagdan ang mga paa.

Naupo ako sa sahig ng makalapit ako kay Cy na natutulog.

"You are really a stubborn admirer." Mahinang sambit ko habang nangingiti.

Pinagmasdan ko lang ang mukha ng taong may gusto sa akin. Hindi ko naman hiniling na magkagusto sa akin pero hindi ko din naman kasalanan kung bakit ka nahulog sa akin.

Napatingin naman ako sa labas ng pinto ng makarinig ng pamilyar na busina sa labas ng bahay.

"Manang," Pagtawag ko.

"Bakit po, Sir Paul?"

"Mom is here."

Naintindihan naman nya ang nais kong sabihin kaya mabilis na lumabas sya ng pinto.

Dinampot ko ang cellphone ni Cy at inilagay iyon sa bulsa ng suot kong jogger.

I started to carry Cy in my arms cause I don't want to disturb him in his sleep.

Pinagmasdan ko muna ang natutulog na si Cy habang karga ng mga bisig ko. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may nagtutulak sa aking ngumiti.

"What happen?" Narinig kong tinig ni Mom.

"Nothing," Tugon ko pero kay Cy parin nakatuon ang aking paningin.

"He just fell asleep, mom." Tugon kong muli ngunit pakiramdam ko nasa alapaap ako ng mga sandaling iyon.

"Kung ganun, ihatid mo na sya sa guest room at duon mahiga."

"He will sleep with me, mom." Sabi ko sabay tinapunan ng tingin ang mga magulang ko at pati na din ang kuya kong kapapasok lang.

"Manang, pakiligpit na lang ng baso." Pag-uutos ko.

"Good night, mom. Good night, dad." Sabi ko saka tinalikuran na sila.

"What about your brother?" Narinig ko namang sabi ni dad.

"Good night, bro."

Nagtungo na lang ang ako ng hagdan. Maingat kong inihakbang ang paa ko dahil nasa kamay ko ngayon ang nag-iisang taong nagpapasaya sa aking ngayon.

I felt so much happiness to think that Cy would be mine for at least three nights. Hindi ko na din maintindihan ang sarili kung bakit parang may kakaiba sa nararamdaman ko. Ayaw ko namang husgahan kaagad ang nararamdaman ko pero sa kabilang banda ayaw ko din namang pakawalan.

I just can't stop myself to stare at the face of this someone in my hands. Naramdaman ko na lang ang sarili na huminto sa kalagitnaan ng pagakyat ko na para bang may naguudyok sa akin na halikan si Cy.

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon