CHAPTER TWENTY

66 4 1
                                    



Pinagbuksan naman kami ng gate ng isa sa mga maid nila nang dumating kami. Binati sya nito at ganuon din sa akin. Tanging ngiti na lang ang ipinukol ko rito. Nabahala naman ako dahil pakiramdam ko sa bawat oras na tatapak ako sa sahig ng bahay nila ay madudumihan.

Huhubarin ko na sana ang sapatos ko nang pigilan ako ni Paul.

"Wag mo ng hubarin yang sapatos mo. Hindi naman kami maselan." Nakangiting sambit ni Paul habang ako nagdadalawang isip pa kung susundin ko ba ang sinabi nya.

Nang huli napagdesisyunan ko na  na hubadin na lang at iwan iyon sa labas saka itinayo sa gilid. Hinayaan na lamang nya ako at hindi na pinilit pa. Pumasok na lang din ako saka inilibot ng muli ang paningin sa loob ng bahay na kinatatayuan ko ngayon.

Nawala na sa paningin ko ang maid pati na din si Paul na umakyat na sa kanyang silid. Inilibot ko na lang ng mabuti ang sarili sa karangyaan ng bahay na iyon. Namamangha talaga ako sa ganda ng bahay nila. Hindi na din bago sa katulad niya na nakaaangat sa buhay.

"Are you done canvassing?" Narinig kong alingawngaw ng boses ni Paul sa kabuuan ng bahay.

Hinanap naman sya ng mga mata ko at nahinto ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa hagdan habang walang pang-itaas. Napatingin naman ako sa hubad nyang katawan. Bakit hindi ko magawang iiwas kaagad ang tingin ko duon? Nakita ko na iyon pero hindi ko naman natitigan ng husto katulad na lang ng ginagawa ko ngayon.

Hindi ko din alam ngunit may nag-uudyok sakin na sipatin ang katawan nyang tinititigan ng mga mata ko ngayon. Tumama naman ang paningin ko sa tiyan nyang may apat na maumbok na abs. Napalunok na lang ako ng malalaking butil ng laway ko.

"I know what you're thinking. Come to my room and I'll show you." Napitlag naman ako sa bigla nyang pagsasalita.

Muntikan ko ng makalimutan na hindi dapat ako maaaring umakto ng hindi naaayon sa mga kinikilos ko. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya ngunit hindi ko iyon ipahalata.

"H-Huh?" Nauutal kong sabi sa kabila ng pagkabigla.

"Wag mo kase akong titigan. Sunggaban mo na ako agad. Muntikan na akong matunaw eh." Nakangisi nyang sabi.

Bigla namang nag-init ang dalawa kong pisngi. Hindi maaari ito. Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito. Lihim na humigit ako ng hangin at pinuno ang baga ko.

"Hindi ah. Nagagandahan lang ako sa bahay nyo."

"Sa bahay namin o sa katawan ko?" May pang-aasar na sabi nya saka kinagat ang ibabang labi.

Nabato naman ako sa ginawa nyang iyon. Napalunok akong bigla ng sariling laway ko. Bago pa ako mawala ulit sa katinuan ay ibinalik ko na lang sa wisyo ang sariling pag-iisip.

"S-Sa bahay nyo ako nagagandahan,"

"Sa bahay ka ba talaga namin nagagandahan? Bakit sa katawan ko ikaw nakatingin?"

"M-May ganyan din ako 'no." Tanging nasabi ko na lang kahit na ang totoo ay wala akong ganuong klase ng katawan.

"I'm just kidding. Sumunod ka na sa kwarto at gusto kong makita ang sinasabi mong meron ka din nito." Sabi nya saka umakyat na.

Bigla naman akong nagalinlangan sa sinabi nyang iyon. Nagtungo na lang ako ng hagdan at hindi na inisip pa ang sinabi nya. Paakyat na sana ako nuon nang matigilan ako nang marinig ko ang tinig ng maid kanina. Napahinto naman ako sa tangkang pagakyat ko.

"Ngayon ko lang ulit nakita ang batang 'yan na sobrang saya." Masayang sambit ng matanda kahit na hindi naman ako nagtatanong.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Sabi ko sa kabila ng pagtataka.

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon