CHAPTER THIRTY THREE

45 2 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng tunog ng alarm ng cellphone ko. Pakiramdam ko wala pang isang oras akong natutulog dahil ilang minuto na lang din ng makatulog ako. Napapikit na lang ako sa sobrang sakit ng ulo na naramdaman ko. Pinatahimik ko na lang ang maingay kong cellphone.

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako dito sa lamesa habang ginagawa ang encoding. Nabahala naman ako sa isiping natapos ko ba iyon gayong nakatulog ako kaya dali dali ko namang tiningnan iyon sa laptop na nasa harap ko.

Napanatag naman ang kalooban ko ng makumpira kong natapos ko iyon at na-save sa usb na hiniram ko kay Jonathan. Tumayo na lang ako at agad na napahawak sa upuan ng biglang umikot yung paningin ko. Naghintay lang ako sandali hanggang sa mawala ang pagkahilo.

Isa isa kong niligpit ang mga iyon para makapagasikaso na para pumasok. Nilagay ko na lang sa lababo ang basong pinagkapehan ko. Pinunasan ko na lang ng wipes ang inupuan ko para i-disinfect kahit na wala naman akong naiwang rumi duon o likido na galing sa loob ng lagusan ko.

Nagmamadaling naligo na lang ako saka nagbihis na lang ng matapos. Pinalantsa ko na lang muna ang uniform kong gusot pa dahil kalalaba ko lang niyon ng nakaraang gabi.

"Paki-plantsa na rin yung akin." Rinig kong usal ni James na nagluluto ng agahan.

"Isabay mo na lang din yung sa aming apat." Sabi ni Joven saka pumasok na ng banyo.

Hindi na lang ako nag-reklamo at ginawa ko na lang. isinampay ko na lang ang mga polo nila ng matapos kong plantsahin iyon para di na magusot.

"Jonathan, salamat pala sa pagpapagamit mo sakin ng Laptop mo. Mamaya ko na lang isasauli itong usb pagkauwi ko."

"No problem, baby". Sabi nya sabay halik sa labi ko. Hindi ko na lang pinansin iyon.

Hindi na ako sumabay sa agahan nila na nakasanayan ko na at nagmamadaling lumabas na lang ng dorm dala dala ang mga drafts at reference ng thesis namin. Tinakbo ko na lang ang hagdan dahil sa ganitong oras marami ng tao sa printing shop karamihan ay mga estudyante.

Halos hindi naman ako magkandaugaga sa dami ng estudyanteng madatnan ko. Yung iba hindi naman nagpapa-print at naghihintay lang sa kasama nila kaya lalo lang nagpapadami ng tao.

"Makikiraan" Pakiusap ko.

"Sino pa naka-usb dyan? Ipaabot nyo na lang." Pagtatanong ng may-ari ng shop.

"Ah! Ako po. Ito po." Pagaabot ko. Inabot naman iyon ng nagpi-print.

"Saan dito?"

"Makikiraan lang po." Sabi ko para makalapit sa counter at maturo yung file.

"Daming porn ah!" Natatawang sabi ni kuya na operator ng printing shop na ito.

Hindi ko naman alam na may ganuon pala si Jonathan sa usb nya. Bigla naman akong nahiya dahil sa nakita nya sa usb na hindi ko naman pagmamay-ari. Napansin ko naman ang biglang paglayo ng ibang estudyante sakin na nanduon at nakakita din ng mga porn video na naka-save duon.

"Teka, ikaw ba itong isa na nasa video?" Pagkalikot nya pa sa laman ng usb na iyon.

Nanigas naman akong bigla sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya. Hindi na ako nakapagsalita simula ng makita nya ang mga porn video na iyon.

Kaya sa kuryosidad ko sa sinabi nya napatingin na lang din ako sa screen ng monitor nya pati na din ang ibang estudyanteng nakatingin na din sa screen. Nanlaki naman yung mata ko ng i-play nya iyon at kitang kita ang mukha ko duon. Napayuko na lang ako at hindi magawang makatingin sa kanila.

"Kuya, pakibunot na lang po ng usb."

"Bakit? Hindi ka ba proud?"

"Kuya, parang awa nyo na po. Pakibunot na lang po."

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon