CHAPTER FIFTY THREE

22 1 0
                                    

Cypress POV

Litong lito na ako sa mga tanong na nagkakabuhol buhol na lang sa utak ko. Hindi ko maiwasang hindi bigyan ng kahulugan ang mga ginagawa ni Paul sa akin nitong mga nakaraang araw. Naiinis din ako sa sarili dahil hindi man lang ako madapuan ng kahit kaunting tapang para sana tanungin na sya tungkol sa tunay nyang nararamdaman kaso nang huli ay natatakot pa din akong magtanong.

Pansamantalang iwinaglit ko na lang muna sya sa aking isipan dahil kung magkagayo'y hindi ko matatapos itong aking ginagawa. Halos sya lang ang nagpapagulo ng ganito sa isip ko bawat minuto at bawat oras.

Ako tuloy yung nahihirapan sa inaakto nya. Minsan iniisip ko na baka biro lang nya siguro 'yon pero bilang admirer nya, umaasa din ako kahit papaano. Piste lang kase itong kaba ko, ayaw makisama.

"Montero?" Rinig kong tawag ng guro namin sa apelyido ng crush ko.

Hindi ko naman pinansin iyon at itinuon na lang ang atensyon sa pagsusulat ng aralin.

"Ma'am, sino po ba samin yung tinatawag nyo? Dalawa na po kase Montero dito sa room. Ako po ba o yung asawa ko?"

Napahinto naman ako sa sinabi nyang iyon. Halos lumundag sa tuwa ang puso ko sa narinig. Hindi man lang sya dinapuan ng kahit katiting na hiya habang sinasabi iyon sa harap ng maraming tao pati na din sa guro na nasa harapan. Iniisip ko tuloy kung pinaglalaruan lang ba nya ako pero kase lintek na pusong 'to nahihiya. Wala naman syang mapapala sa hiya.

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa sinabing iyon ni Paul. Hindi ko naman maiwasang hindi mahiya and at the same time ay yung kiligin.

"I'm sorry I didn't know. So, I mean Paul Montero,"

"Yes, ma'am,"

"Well, congratulations anyway."

"Your gratitude is well appreciated, ma'am."

"Now, stand up and tell us what lesson you've learn and how it teaches you as a person?"

"I thought the world would always be that hard on me but when I met this someone, my world turns upside down. This person did really change me from what I was before. It's funny to think but this person is really interesting. I have so many realization when this person came into my life." Sinasabi nya iyon habang nakatingin sa akin.

"What are you pertaining, Mr. Montero? Does it have any resemblance to our topic?"

"No, ma'am but everything can be connected  whenever it wanted. The way until you find someone that gives meaning to every point of which is connected to different people. People that came into our lives is not just for how the destiny works but to teach us and give us lesson to give importance with everything we'll be going to held onto our faith."

"Cypress must be grateful for having someone like you. Thank you for your wonderful answer, Mr. Montero."

"I'm really grateful. Thank you, Ma'am."

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko sa sinagot na iyon ni Paul sa tanong ng aming guro. Halos balutin na ako ng sobrang hiya ngunit hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy nyang tao. Malay ko ba na iba tao pala iyon. Ayaw ko lang paasahin yung sarili kahit pa na masasabi kong may kaugnayan ako sa naging sagot nya.

Inaya na akong kumain ni Paul nang sandaling dumating ang oras ng break. Tumayo na lang ako at isinukbit sa balikat ang bag.

Naupo na lang kami sa student center nang matapos kaming kumain. Hindi pa naman nagsisimula ang oras para sa susunod na klase kaya pinili kong dito na lang din mamahinga.

Nag-scroll na lang muna ako sa newsfeed ko at habang nasa ganuon akong posisyon ay bigla namang nag-appear ang notification icon for messenger. Pinindut ko na lang iyon at tiningnan kung sino ang nag-chat. Napalingon naman ako sa gawi ni Paul na busy din sa hawak na cellphone.

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon