"Damn! How many times do I need to tell you that you need to answer all my calls!" galit na sigaw ni Sir Gray nang makarating ako sa bahay.
Uy? Concerned ba si Sir sa 'kin dahil ngayon lang ako dumating? Charooot. Asa naman!
"Pasensya na Sir, lowbat kasi ako." pasimple ko namang sabi sa kanya para hindi mahalatang nagsisinungaling ako. Panu ba naman? Tinurn off ko kasi may exams ako kanina.
"Really? Give me your phone!" Inilahad nya ang kamay nya and he smiled at me sarcastically.
"Sir, anong gagawin nyo sa phone ko? May phone naman kayo ah. Iphone pa nga yan. Sana ol. Mapapa---" ---sana ol ka na lang talaga!
Umigting naman ang kanyang panga sa sinagot ko kaya hindi ko na natapos ang aking sasabihin. Kaagad kong binigay ang selpon ko sa kanya dahil parang anytime ay bubuga na sya ng apoy.
He checked my phone and he suddenly stopped. Biglang napakunot ang kanyang noo.
"You call 78% a low battery? Did you intentionally turn off your phone to avoid my calls, huh?"
Sabi ko na nga ba.
"Pasensya na Sir, may exam kasi ako kanina at kailangang iturn off ang cellphone eh."
"And why do you have to lie to me na lowbat ka?! The fact that you lied over such a small thing means that you can't be trusted!" Napahilot sya sa kanyang sentido at napailing.
"Eh kahit naman ano ang sabihin ko, galit ka naman palagi. Daig mo pa ang lola kong nag me-menopause." bulong ko naman. Eh sa naiinis na talaga ako!
"What?! What did you just say?! Care to repeat that woman!"
Napaigtad naman ako sa klase ng boses niya. Halatang galit na talaga sya.
"Son, what's the problem? Bakit galit ka na nman kay Ysha?" biglang sulpot ni Ma'am Sophia, I mean ng mother ni Gray kasama ng kanyang asawa na si Sir Dalton. Only child lang kasi si Sir Gray kaya masungit. Tsk.
"Mom, that's not the proper attitude of a maid! See? She did not even answer my calls when I needed her at school a while ago! Sinagot-sagot pa nya ako kani-kanina lang!"
"Son, maybe you're just being consumed by your anger too much. Talk about it calmly, okay?" mahinahon namang sagot ni Ma'am Sophia.
"Your mom is right. Calm down, son." sabi naman ni Sir Dalton.
"Whatever." maktol na sabi ni Sir Gray saka nauna na sa dining area. Kita mo nga naman ang ugali nun!
Maid nga naman talaga ako dito but Gray's parents never treated me as one. Simula ng mamatay ang nanay ko three years ago, ako na ang pumalit sa kanya bilang katulong sa pamamahay ng mga Chavez. What can I do? My father can barely walk kaya di sya makapagtatrabaho. And I still have two siblings na kailangang suportahan. And Gray's parents helped me a lot in terms of financial support, malaking bagay yun para sa akin.
Isa akong masasabing maid ni Gray sa school. If he needs to buy something and stuff, he calls me. And I missed his call earlier kaya galit sya.
"Sorry." mahina kong sabi na nagpataas ng kanyang kilay. He stood up from the dining table at nagmartsa patungo sa kanyang taas.
"Bring me my dinner upstairs, woman."
Napatango nalang ako. Napaka-bossy nya talaga. Aaarggh!
"Ah. And one more thing, the guy in your wallpaper is disgusting. I gave that spare phone for you for better access. Don't just display some idiotic and silly guy as a wallpaper. Damn it, that's still my phone!" Yun lang at umakyat na sya ng hagdan para pumunta sa kanyang kwarto.
Napatanga naman ako sa litanya niya at nakitang pasimpleng ngumiti ang mga parents ni Gray?
Huh?
Sinilip ko ang aking wallpaper at nakita ang mukha at abs ng napakamamahal kong asawa. Park Jimin. (ng BTS ✌)
Idiotic and silly guy? Umusok naman ang ilong ko sa sinabi niya.
Gray Drayon Chavez!
Anong problema ng lalaking yun?! Seriously!
BINABASA MO ANG
My Hot-Tempered Boss
Teen FictionMasungit si Gray, matalino at may pagka-bipolar. Samantalang si Ysha naman ay may pagkabobo at tanga. How should Ysha's foolishness deal with Gray's hot temper? Will she be able to break his ice? Well... Started: December 2019 Ended: May 2020