Chapter 7

2K 55 1
                                    

*Tok. Tok.Tok.

"Hey, woman!"

Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok ni Gray sa pintuan ko. Ano na bang oras ngayon?

Tiningnan ko ang oras sa phone ko at nagitla ng makitang alas dos pa ng madaling araw. Seryoso ba sya? Nambubulahaw sya ng ganitong oras?!

"Ysha!"

Hindi ko na nga lang sasagutin. Inaantok pa ako eh. Bahala sya dyan.

"I know you're awake already. Come out!"

"Hindi ako gising. Tulog pa ako. Wag kang tanga." sabi ko and I snored loudly, enough for him to hear it.

"Are you kidding me? At the count of three, I'll tell Mom---"

"Heto na nga, bubuksan na. Kainis!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil nabanggit niya ang pangalan ni Ma'am. Ibang usapan na yun. Napahikab ako dahil sa antok at labag sa kaloobang tumungo sa pintuan upang buksan ito.

Bumungad sa akin ang mukha ni Gray na sarkastikong tumingin sa akin. Hinagod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at napailing. Ay enebe, sinong di mapapailing sa ganda ko? Charot!

"So, sinong mas tanga sa atin?" sarkastikong tanong ni Gray sa akin.

"Ako." proud kong sabi.

Ha! Akala nya ha! Tingnan mo lang, may logic ako.

"Good you know.", nakasmirk nyang saad.

"Ikaw, tanga ka ba?"

"I'm not."

"Hahahaha! Tanga ka nga." sabi ko sabay tawa at tinuro-turo pa ang mukha niya. Akala niya ha!

Napataas ang kanyang kilay dahil sa inasta ko at naguguluhang tumingin sa akin.

"What are you laughing?!"

"Ganito kasi yan Sir. A fool will never admit that he is a fool because of his foolishness. Dineny mo na hindi ka tanga so tanga ka nga. Inamin ko namang tanga ako so hindi ako tanga. Hahaha!" Wew, may pagkatalino rin pala ako. Sa totoo lang, galing lang naman yan sa movie na pinanood ko kagabi. Naastigan ako kaya minemorize ko na. Hihi.

Akala ko magagalit sya pero tumawa lang sya sa sinabi ko. Hindi pa nakuntento at hinawakan pa niya ang tiyan niya.

"Hey, are you out of your mind? That's a faulty logic. Have you ever heard of fallacy, woman? It's when a logic is pointless or baseless and generalization makes it more false. Don't try too hard. English Major ka ba talaga? Oh? That's okay, tanggap naman kita kahit hindi ka matalino. Hahaha."

Kung sya ang naguluhan kanina, ako naman ang naguluhan ngayon. Oo, English major nga ako pero mahina ako sa English. Alangan namang mag Math major ako, mahina rin ako sa Math. Kung sa Science, nalintikan na talaga. Sa PE, physically inactive ako. Sa Home Economics, okay lang pero ayokong mag-aral ng basic etiquettes. Hay.

"Hindi ako matalino. So, ibig mong sabihin bobo ako?"

"I just said na hindi ka matalino. Hindi ko sinabing bobo ka. Don't worry, as I said tanggap naman kita." Hindi nawala ang pagkakangiti niya, abot yun sa kanyang mata.

Aba, iba sya ngayon. Kanina tumatawa ngayon ngumingiti. Seriously? Napano ang sungay niya?

At sabi nya tanggap nya pa ako. Hindi ko alam pero biglang naging abnormal ang tibok ng puso ko.

"H-Ha? Tanggap saan?"

"Tanggap bilang alalay. Now, let's go to my room." Yun lang at nauna na syang maglakad patungo sa kwarto niya.

My Hot-Tempered BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon