"Damn!", usal ni Gray habang kinakalikot ang selpon ko.
Kakatapos lang naming kumain ng lunch at napatambay kami sandali sa canteen. Hindi ko naman talaga ugaling sumama sa kanila dahil parang Boys Over Flowers at Meteor Garden lang ang peg namin. Hindi ko pa naman ugaling inggitin kayo. Haha
Hindi ko lang naman namalayan kanina na napasunod na pala ako sa pagkakahila ni Gray sa akin. Syempre, naging lutang ako at hindi na makapalag.
Sa kabilang banda, panay naman ang sulyap at irap ng mga pabebe girls sa akin sa gilid. Kaya nga ayaw na ayaw kong sumama dahil dito. Nagtataray na nga ako para wala akong maging kaibigan dahil nakikipagkaibigan lang ang ilan para ireto ko sila kay Sir Gray tsk.
"DAMN IT!", muling pagmumura ni Sir Gray dahilan upang bumaling kami sa kanya.
"What's up, pare?" sabi ni Jace.
Binagsak nya sa mesa ang selpon ko at nagulat ako ng makita ko ang mga photos na isinilid ko sa secret files.
"P-paanong nalaman mo ang password?" gulantang kong tanong sa kanya.
Kaya ko lang nman idinelete yung wallpaper ko kasi may itinago akong pictures ni Jimin sa file safe ko sa phone. May password yun eh!
Dumilim ang anyo nya sa naging pagsagot ko. At ang mga barkada nya naman, tahimik at amused na pinagmasdan lang kami.
"And here I thought that you deleted the picture!"
"Idinelete ko naman talaga yung picture sa wallpaper ko ah, hindi naman kasali yan."
Kukunin ko na sana ang phone ko sa mesa nang nauna nyang hawakan ito. Naiinis kong binalingan sya.
"Ano na naman ba?!"
"Nevermind. I'll delete the pictures!" parang binuhusan naman ako ng tubig sa sinabi niya.
"Teka lang Sir! Eh, hindi naman ikaw ang titingin!" Napapadyak-padyak pa ako sa paa ko dahil sa inis.
"Ha! I thought he's not your crush. You clearly said that to me earlier! Nagka amnesia ka ba?"
Amnesia agad? Huh!
"Hindi ko naman talaga crush. Asawa ko, okay? A-SA-WA!"
Kumunot naman lalo ang noo niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako.
"WHAT THE FUCK?!"
"Pare, kalma lang. Korean idol lang naman yung asawa ni Ysha. Self-proclaimed asawa lang nya okay? Relax ka lang.", sabat ni Nathan at saka tinapik-tapik ng marahan si Gray.
Tiningnan naman nya ito ng masama at iwinaksi ang kamay nito.
"Kahit na! It should be deleted!"
"Hindi naman ikaw ang titingin eh! Sir!"
"The more reason that you should delete it, naiirita ako! I don't want you to look at it!"
Nagulat naman ako sa sinabi niya at napa woah reaction lang ang tatlo.
"Nagseselos ka ba, Sir?!"
"W-What?!"
"Nagseselos ka ba?"
Natigilan naman sya at mukhang napaisip sa inasta niya. Pinilit kong inusisa ang ekspresyon ng kanyang mukha at tila sya'y naguguluhan. Sandali lang yun dahil nakabawi sya at binalik ang kanyang aroganteng ekspresyon.
Sa halip na sumagot ay tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Whatever. Buy the requirements that I sent to you. Magcommute ka, no cars."
BINABASA MO ANG
My Hot-Tempered Boss
Teen FictionMasungit si Gray, matalino at may pagka-bipolar. Samantalang si Ysha naman ay may pagkabobo at tanga. How should Ysha's foolishness deal with Gray's hot temper? Will she be able to break his ice? Well... Started: December 2019 Ended: May 2020