"Do you want a lifetime with me, my woman? Will you marry me, Ysha Montenegro?"
Napasinghap ako at tuluyan ng naestatwa sa aking kinatatayuan nang makita si Gray na nakaluhod sa aking harapan. Nasa kamay nito ang isang pulang box na naglalaman ng singsing. Napakurap-kurap pa ako at pilit inaalisa ang mga sinabi nito. Kinurot ko ang pisngi ko ng ilang beses para alamin kung hindi ba ako nanaganip. I'm not, kasi naramdaman ko ang sakit ng kurot ko. Tangina.
Pinahid naman ni Gray ang luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya. Looking at him cry makes my heart sick. But this kind of feeling now is different.
Natoon ko ang atensyon sa kanyang likuran dahil sa biglaang pag-ilaw ng mga letra doon. May mga kamay na nakahawak dito pero hindi ko masyadong maaninag kung sinu-sino iyon dahil tanging ang mga letra lang ang nakailaw.
'WILL YOU MARRY ME?'
Napalunok ako ng ilang beses sa nabasa ko. May kung ano na namang bumara sa aking lalamunan. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang aking pag-iyak at ibinaling ko muli ang tingin ko kay Gray.
Matagal ko syang tinitigan, parang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. He stared at me concerned nang matagal akong nagsalita.
"Y-Ysha, you're scaring me. I... I don't really know what I'm supposed to do if you'll runaway or say no, but could you please save us both the trouble and say yes?", pigil-hininga niyang sabi sa mahinang tinig, "Is it a yes or a yes?"
At may umilaw na namang letra mula sa kanyang likuran.
'SAY YES OR YES.'
Tatawa sana ako sa aking nabasa pero bigla na lang nag-umalpas ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang gusto ko na yatang sumigaw. Ang sabi niya hindi na niya ako papaiyakin! Pero bakit ganito?
"T-Tinanong mo pa ako. I-Isa lang naman ang sagot."
"Y-Your answer please?" sabi niya na parang iiyak na rin dahil nakita ang paglandas ng mga luha ko. Hindi ito komportableng nakatingin sa mga mata ko at parang gusto nitong tumayo at abutin ako pero hindi niya ginawa habang hindi pa niya ako napapasagot.
"Kondisyon ni Papa diba na ako ang magset ng wedding date. Makakahintay ka ba kung after 10 years pa ako magpapakasal sa 'yo?"
Pero syempre joke lang yun. Anong sanpung taon? Kung ngayon na e. Geez.
Nasindak sya sa tanong ko at nakita ko naman ang biglaang pag-awang ng kanyang labi."W-What? T-That's too long."
Klarong klaro yung pagkautal niya. May narinig naman akong tumawa sa likod. Hindi ko alam pero parang matatawa din ako sa kanyang reaksyon. Mukha syang masyadong na shock. How can someone cry and be happy at the same time?
Pero kalaunan ay nakabawi ito at tumango naman sa akin. Tipid din akong nginitian.
"It's fine. I can endure a long engagement just to be with you."
Napalunok ako. Pustahan tayo, pulang-pula na ang pisngi ko ngayon pati na rin ang mga mata ko dahil sa luha. Tinapangan ko naman ang sarili ko para tanungin sya sa naisip ko kanina.
"Paano kung pagdating ng panahon marealize mo na hindi pala ak---"
Bigla namang umigting ang panga niya at kinunotan niya ako ng noo.
"You're telling me to die if it's not you.", sabi niya at napabuntong-hininga, "We'll work things out, I promise."
Tumango naman ako. 'Love is sacrifice and taking risks', ika nga. Paano mo malalaman kung tama o mali ang daang tinatahak mo if you yourself won't even take the risk?
BINABASA MO ANG
My Hot-Tempered Boss
Teen FictionMasungit si Gray, matalino at may pagka-bipolar. Samantalang si Ysha naman ay may pagkabobo at tanga. How should Ysha's foolishness deal with Gray's hot temper? Will she be able to break his ice? Well... Started: December 2019 Ended: May 2020