Chapter 11

1.8K 45 2
                                    

"Do you mind if I call you 'my woman'?"

Napatulala lang ako kay Gray nang sabihin nya 'yon. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa pagkakangiti nya o dahil ba sa sinabi niya. Basta ang alam ko lang 'there seems to be a bomb that is planted on my chest'. Tila sasabog yun anumang oras ngayon.

Bakit kasi hindi na sya masyadong nagsusungit?! Yan tuloy parang wala ako sa matinong pag-iisip. Hindi ko alam kung anong isasagot. Gusto iyon ng isang parte ng utak ko samantalang sa ibang parte? Gusto rin mwehehe.

"H-Ha?", tanging saad ko nalang.

"Ha-halikan kita kapag nag-isang 'Ha' ka pa. See, your lips are parted. Are you inviting me to kiss your lips, 'my woman'?" Gray smiled teasingly and a hint of playfulness is evident in his eyes.

Ha?
Ha?
Ha?
Tatlong kiss na ba yun? Bakit di mo nalang kasi gawin, may patanong-tanong ka pa eh. Joke leng.

Tinapunan ko sya ng malagkit--- I mean ng naiilang na tingin. Amused na amused naman syang makita ang reaction ko na para bang may kontrol sya sa sitwasyon dahil nakikita niyang affected ko.

"B-Bakit ang landi mo ngayon?" nauutal kong tanong.

"Nilalandi mo kasi ako. I want to erase that lipgloss on your lips. With my lips perhaps?", sabi niya na dinilaan pa ang labi nya at pinasadahan ng tingin ang labi ko.

Hilahin ko yang dila mo e, mag-espadahan nalang tayo charot. Sya kaya tong nanglalandi! Bakit naman palaging halik ang nasa isip nito? At...

"H-Hindi nga 'to lipgloss!", pairap kong saway sa kanya

"Really? Ang tagal namang mawala ng sabaw ng tinola sa labi mo... Anyway, you don't need to wear lipgloss, magpahid ng mantika o lunodin ang labi mo sa sabaw ng tinola. Laway mo lang, sapat na."

Napamulagat ang mga mata kong tumingin sa kanya. Nagdagsaan ang kakaibang kiliti sa aking katawan. A-Anong ibig sabihin nya dun?!

"Maglandian nalang kasi tayo.", dagdag niya na hindi pa rin nawawala ang pagkakangisi.

Ang feeling din naman ng isang 'to. Ni wala nga akong say sa 'Be my girlfriend' nya eh.

'At least napanagutan ka na. Naglalandian nga walang label eh, kayo pa kaya?', ani ng isip ko. Sa di malamang dahilan, lihim naman akong napangiti. Che!

"Naaaks! Iba! Ano yan pareng Gray? Sali naman kami sa landian!"

Nabaling ang tingin namin ni Gray kila Jace na papunta sa kinaroroonan namin. Iwinagayway pa nila ang dalang plastic bag na basura ang laman. Ang punishment sa first offense, na kahit kami ni Gray ay ni wala pang isang basurang naisilid sa kanya-kanya naming plastic bag.

"Ang bilis nyo naman yatang napuno ng basura ang plastic bag?", tanong ko.

"Ay kami pa ba? E.Z, diba pareng Jace?"

"Yeah yeah basic."

Parehong kumunot ang noo namin ni Gray dahil sa sinabi nila. Paano naging 'E.Z.', eh nakakatamad kayang maghanap.

"It's just barely eight minutes since you left earlier.", Gray said, confused.

"Hindi kami nagpulot. Kumuha lang kami ng basura sa trashcan. Wala namang nagbabantay e.", sabi ni Jackson sabay ngiting aso.

"But the rules say that you need to pick up the trashes in the whole campus.", taas-kilay na sagot ni Gray.

Oo nga!

"Ah. Pinulot nga namin ang basura sa basurahan. Galing naman sa mga estudyante to sa whole campus. Diba Jackson?", pagrarason ni Nathan at tumango naman ng nakakaloko ang huli.

My Hot-Tempered BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon