Chapter 10

1.9K 46 0
                                    

Ysha's POV

"Round 2 ng kissing scene nyo." sagot ni Jace at malakas na itinulak ako kay Gray.

Napamulagat ang mga mata kong tumingin kay Gray at madaling tinakpan ang aking bibig. Malaki ang ngiti niyang tumingin sa akin at maingat na inabot ang baywang ko.

Tangina! Hindi pa ako nakakamove-on sa halik kahapon. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi eh. At ano, round 2?

"Ting ting ting! Let's get ready to ruuuumble!"

Hindi ko na napansin ang sinabi ni Nathan dahil bigla akong napapiksi nang higpitan ni Gray ang pagkakahawak sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko kung gaano kalakas ang pagtambulan ng drums sa kung saan. Was it from Gray's chest or... was it the beating of my heart?

Gray looked at me with passion at dahan-dahang dumukwang para halikan ang likod ng kamay ko na nakatakip sa aking bibig. Dumampi ang mainit niyang labi sa balat ko na nagpahigit ng aking hininga. Marahan nyang tinanggal ang kamay na nakatakip sa aking bibig at umabante palapit sa aking mukha. Pilit kong kumawala dahil sa kakaibang dulot ng pagkakalapit nyang iyon. Natatarantang inilayo ko ang aking mukha at naramdaman ko nalang na hinipan niya ang aking kaliwang tenga.

"Chill, Ysha. As much as I wanted to kiss you right now, but it's sad to say that we are in the school premises. I want our kiss to be private next time. I want it to be just between the two of us.", he smiled sweetly na nakakapagpanibago sa akin.

Bakit parang playboy sya kung makangiti ngayon? Naimpluwensyahan ba sya sa mga barkada nyang tila ahas kung makalingkis sa iba't ibang babae?

"Booooooo! Tangina ka talaga Gray! Bakit hindi mo tinuloy?!", sabi ni Jackson na naiinis na napapadyak.

"Premises premises ka pa eh!"

"Ang sabihin mo Gray, ayaw mo lang mapahiya sa amin. Hindi ka marunong humalik. Di ba, Ysha?"

Napatingin lang ako kay Jackson sa tanong nya at hindi makasagot. Feeling ko namumula na ang mukha ko ngayon dahil natatandaan ko na naman ang eksena kahapon.

"Nag-espadahan lang naman kami ng dila. Right, Ysha?" He said casually and encircled his arms to my waist again.

Namilog ang mata ko sa sinabi niya samantalang gulat na gulat na tumingin naman sila Jace sa kanya.

Bakit niya sinabi yun?!

"Woah! Wait Gray, you can ride our jokes now?" Jace asked unbelievably.

Matiim na tiningnan ni Gray si Jace na tila hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.

"I'm not joking."

"Obvious nga pare. Nakakapanibago lang kasi, ang halay mo na!", saad ni Jackson.

"Buti nga hindi kayo natuloy sa kama. HINDI YUN HALIK E, PORN YUN---"

*Blag*

Nabitin sa ere ang sasabihin ni Nathan nang napatingin kaming lahat sa pintuan. Napasinghap ako nang makita si Ms. Dizon na nakapamaywang, at sa likuran nya ang kanyang mga estudyanteng masama ang tingin sa akin.

Nalintikan na, terror yan sa department namin. Kailan pa sila dyan, bakit hindi ko namalayan?

Tinuro niya ang "No Public Display of Affection" sign na nakapaskil sa dingding at disgustong tiningnan ang kamay ni Gray sa baywang ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at dali-dali akong humiwalay kay Gray.

"We're waiting for the five of you to come out because we'll be having our classes here. And for the record, we're here just five minutes ago. Nag-eespadahan ng dila? Halik lang? Natuloy sa kama? Porn? How immoral! Nagpi-PDA pa kayo. I won't let it slide. STUDENTS AFFAIR OFFICE, NOW!", Ms. Dizon exclaimed dahil sa galit.

My Hot-Tempered BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon