"Gray, dito mo nalang ako ibaba.", sabi ko kay Gray nang mapansin ko na ilang metro na lang ang layo namin sa school.
Mukhang hindi naman sya nakinig sa akin dahil nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho. Nalimutan na ba niya na dito nya ako dino-drop palagi?
"Gray---."
"Nope.", agaran nyang sagot.
"Dito mo namn ako pinapababa noon ah.", reklamo ko sa kanya. Hindi ko yata matake na sabay kaming bababa sa sasakyan niya sa loob ng campus. Ang dami pa namang matang nakatutok sa kanya sa school.
"Before and now are different. We'll go in together.", He calmly said.
"Baka pasabugin ng mga fans mo ang mukha ko."
"Sila ang una kong pasasabugin bago pa nila magawa yun."
"Ibubully nila ako e!"
Ilang segundo namang natahimik si Gray bago humagalpak ng tawa.
"Hahaha. I doubt that. Ikaw mabubully? Ang lakas mo ngang sumagot at mang-asar eh. Pfft."
Napasimangot naman ako sa sinagot niya.
"Hindi ka nakakatuwa ah!"
Bumaling sya sa akin at binigyan ako ng assured na ngiti.
"Don't worry, my woman. I'll bully them first before they will bully you."Kinilig sana ako dun pero may comeback kasi ako hihi. Seryoso ko naman syang tiningnan at tsaka humagalpak ng tawa. Panandalian syang tumingin sa akin na nakakunot ang noo at muling ibinalik ang tingin sa kalsada.
"What?"
"Hahaha. I doubt that. Ikaw mambubully? Ang lakas mo ngang mapikon at maasar eh." at tumawa ako ng malakas.
He grimaced on what I said.
"Are you underestimating me, my woman?"
"Hindi ah. Parang binibiro lang eh!"
"Wag mo akong binibiro kasi seryoso ako... sayo.", at ngumiti na naman sya sa akin.
Tangina! Wag kang ngingiti ng hindi ko alam! Pinakiramdaman ko naman ang puso ko. Tila gustong kumawala nito sa flat kong dibdib. Ahhhh!
Babanat, babanat wag ngingiti!
Nakita ko na lang na papasok na ang kanyang sasakyan sa gate ng school and the same as usual, inaabangan na naman sya ng mga pabebe girls sa gilid. Di ko alam pero ang sarap yatang manapak ng pabebe ngayon. Hmmp!
Madali akong bumaba sa sasakyan ni Gray at nakitang bumababa na rin ito. Hindi na sya paika-ikang maglakad, okay na ba ang tagiliran niya? Bahagyang kumunot naman ang noo nito sa akin.
'Di ba yan yung girl from Educ. department? Ba't nya kasama si Fafa Gray?'
'I don't know sissy. She looks alalay to me.'
'Yah, I think so. Look at her bringing the things of FafaGray.'
'But she's so lucky. Kahit alalay lang kay Fafa Gray puhleaseee.'
Ang lakas din nilang maka-Fafa Gray sa my man ko eh nu? My man is under attack!
"Hey, bakit nauna kang bumaba? Next time, you should wait for me to open the car's door for you." sabi ni Gray na mukhang naiirita sa kung ano.
Dati pa naman akong ganito eh. Pero kung mapilit sya, edi shige. Naiirita din ako sa mga pabebe sa gilid e. Tingnan natin kung sino ang mas pabebe!
"Sorry, my man. I'll take note of it next time.", malakas ang boses na sagot ko kay Gray at lumambitin sa braso niya.
Binelatan ko naman ang mga pabebe sa gilid at nakitang napasinghap sila sa ginawa ko. O ano kayo ngayon?!
Tiningala ko naman si Gray at nakitang kinagat niya ang labi niya upang pigilan ang kanyang pagngiti. Pero mas ngumiti lang naman ito habang nakahawak sa batok niya. Namula din ang mukha nito.
"Damn! You need to orient me when you call me that.", sabi niya at saka sinuyod ng tingin ang mga nagbubulungang pabebe sa gilid.
"Back off girls. My woman is here." deklara niya at hinawakan ang balikat ko. Umalis naman ang mga nakabusangot na pabebe at tumingin ng nakakadiri sa akin. Wahaha! The pabebes faces have been destroyed!
Bumaling ang tingin ko kay Gray nang hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"I'm happy but what are you doing?" sabi niya at itinaas ang dalawa kong kamay na hawak hawak ang mga gamit niya.
"Ha? Ito? Dinadala ko lang ang mga gamit mo."
"It's not your responsibility to carry my things anymore, okay?", He said at binitbit ang mga gamit niya.
"So you call me 'my man' kapag nagselos ka?" mapang-asar niyang sabi sa akin at ngumiti.
Nag-init naman ang aking pisngi dahil sa sinabi niya. Punyeta na kalandian kasi pero mas punyeta kasi yung mga pabebe kanina.
"H-hindi ako nagseselos ah. N-naiirita kasi ako sa kanila kanina. G-ginawa ko yun para umalis sila!"
"B-bakit k-ka n-naman n-nauutal--- Aww Ysha!", reklamo ni Gray dahil sa paghampas ng bag ko sa braso niya kasi ginagaya-gaya niya ang pagkautal ko kanina e. Grrr.
Magsasalita pa sana ako nang makita ko sila Jace na papalapit sa kinaroroonan namin. At narito pa pala kami sa parking lot simula kanina hihi.
"Pare, may anti-inflammation ka ba?", tanong ni Jace kay Nathan at Jackson habang kinakamot ang braso niya.
Napano naman kaya ito?
"Wala pare eh, ikaw ba?"
"Wala din. Kanina pa ako kinakagat ng langgam dito."
"Same here Jackson. Nagkakasugat na ang maganda kong kutis sa kakakamot."
"Baka diabetic ka lang pare? Wag kasi masyadong sweet, nakakadiabetic."
"At kapag hindi naagapan ang diabetes..."
"Nakakamatay."
"Oo saka wala ng forever."
"Tapos---"
Hindi na natuloy ang sasabihin sana ni Nathan nang lumapit si Gray sa kanilang tatlo at sinamaan sila ng tingin. May kinuha sa Gray sa kanyang bag at iwinagayway niya sa ere ang apology letter ng tatlo dahil sa first offense namin.
"And?!"
"Tapos... ", Hindi mapakaling saad ni Nathan habang ang mata ay nakatutok sa apology letter.
"Tapos may reincarnation naman pareng Gray eh. To naman, di mabiro." biglang sabat ni Jackson at hilaw na tumawa.
"Pare, may class tayo ngayon. Halika na!", sabi naman ni Jace kay Gray na tila iniiba ang usapan.
Tumingin sa kanyang relo si Gray at bahagyang napailing. Parang hindi pa nito gustong umalis. Binaling nito ang tingin sa akin at lumapit.
Dumukwang naman ito at bigla akong hinalikan sa labi. Bumilog ang mga mata ko at nagpalinga-linga sa paligid. Napabuntung-hininga na lang ako dahil parang hindi nman napansin ng mga tao ang ginawa ni Gray.
"Naka-isang 'Ha' ka kanina. That's equivalent for a kiss.", He said and smiled at me.
Tumawa naman ang tatlo niyang kaibigan at napailing na lang din.
"Pare baka gusto mong ma-expelled sa kaka-PDA nyo."
Sinamaan lang ito ng tingin ni Gray at inirapan. He smiled at me one more time and said...
"Let's meet here after your class in the afternoon. That's 5:30PM, right? Let's have a dinner somewhere."
Yun lang at tumalikod na sya para umalis. Narinig ko naman ang kantyawan ng mga barkada ni Gray at hinampas pa ito.
Napangiti nalang ako.
Hahaha wala kayo sa date ko mamaya wahaha! Dinner lang, hindi date echos.
* * * * * * * * * *
BINABASA MO ANG
My Hot-Tempered Boss
Teen FictionMasungit si Gray, matalino at may pagka-bipolar. Samantalang si Ysha naman ay may pagkabobo at tanga. How should Ysha's foolishness deal with Gray's hot temper? Will she be able to break his ice? Well... Started: December 2019 Ended: May 2020