"Bakit naglalakad lang tayo?" tanong ko kay Gray kasi naglalakad lang kami from school.
Ewan ko ba kung bakit nya iniwan ang sasakyan niya sa school. Ang sabi nya naman, sa restaurant ang punta namin para mag-dinner. Mga 30 minutes yun from school e.
"You don't like it? I'm enjoying it, actually." He said with a smile on his face at hinawakan ang kamay ko.
Parang natuod naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa paghawak niya. Maraming beses na nyang hinawakan ang kamay ko pero hindi pa rin ako masanay-sanay.
Kaya dapat sanayin niya ako.
"H-Hindi ka ba napapagod?", tanong ko na lang para makabawi sa aking pagkabigla.
"Why would I? I'm alone with you and this feels so good."
Hindi ko mapigilan ang mapangiti kaya ngumiti ako sa kanya. He stopped in his trance at tiningnan ako ng mabuti. Ginantihan niya ako ng ngiti at malakas na pinisil ang pisngi ko.
"Aray naman!"
"I think I'll die of heart attack because of your smile. How about you? Tired already? You want me to carry you?"
He flashed a smile again. Hindi ba mawala-wala ang ngiti ng taong ito? Hindi naman sa na-aawkward ako pero ang sarap lang kasing tumalon.
"O-okay lang ako nu!", kabado kong sagot at alam ko sa sarili ko na kanina pa ako namumula.
"Too bad. I want to carry you."
Tangina! Ang malanding espiritu ni Gray. May ikapupula pa ba ang mukha ko? Baka kakulay ko na ang dugo ko tuwing nireregla. Tumawa lang sya sa reaksyon ko at hinigpitan ang pagkahawak sa aking kamay.
"You're good with any restaurants, right?"
"Ah eh..... Pwede bang sa Jollibee nalang tayo? Hihi"
"Jollibee? Are you a kid?", amused niyang tanong.
"May matanda din namang kumakain sa Jollibee ah! Sa gusto kong kumain ng spag e. Hin---"
Biglang tumawa si Gray at kinurot na nman ang pisngi ko.
"Alright alright. Let's get going, then."
-----
Hindi ko namalayan ang oras. Nasa Jollibee na pala kami. Nag-order lang ako ng spaghetti at chicken kasi yun yung favorites ko. Si Gray naman ang pumila para mag-order. Syempre libre nya haha.
"Here. Did you wait long?" tanong niya. Umiling lang ako.
Tiningnan ko naman ang dala-dala niyang tray nang may mapansin ako.
"Teka, bakit pareho tayo ng orders?"
"Is that too surprising? Sa gusto ko ang gusto mo eh.", He smiled at umupo sa silyang katapat ko.
"Let's eat."
Nilantakan ko naman ang chicken. Sa totoo lang, kanina ko pa gustong kumain. Kanina pa ako nagugutom. Kung pagkain lang talaga si Gray, kinain ko na sya. Kanina pa.
Sinunod ko ang spag. Syempre huli ko itong kakainin. Save the best for the last. Pupunusan ko na sana ang dumi sa mukha nang pigilan ni Gray ang kamay ko.
"Don't wipe it."
"Ha?"
"Let me wipe it for you." at marahan niyang pinunasan ang bibig ko.
Gusto ko na yatang lamunin ng lupa. Ayaw ko na yatang kumain dahil ngayon ko lang narealize na para akong baboy kanina. Tumigil ako sa pagkain at nahihiyang tiningnan si Gray. Binigyan nya lang ako ng amused ng tingin. Kumunot ang noo ko dahil bigla syang tumawa.
BINABASA MO ANG
My Hot-Tempered Boss
Teen FictionMasungit si Gray, matalino at may pagka-bipolar. Samantalang si Ysha naman ay may pagkabobo at tanga. How should Ysha's foolishness deal with Gray's hot temper? Will she be able to break his ice? Well... Started: December 2019 Ended: May 2020