Ilang beses akong nagpabaling-baling sa kama nang maramdaman ko ang isang kamay na nakadantay sa baywang ko. Iminulat ko ang mata ko para lang salubungin ang natutulog na mukha ni Gray.
Katabi pala kami kagabi. Napatulala naman agad ako dahil sa kinis ng balat niya. Nakapagpadagdag lang yata ito sa kagwapuhang taglay niya. Walang ka-pore pore e. Samantalang ako? Higit pa sa pore, mga five. Joke hihi.
Pero teka...
Ang pagkakatanda ko ay nakatalikod ako sa kanya kagabi. Bakit ngayon magkaharap na kami?
"Ang likot mong matulog." biglaan niyang sabi na nakapagpagulat sa akin, ngayon ay nakamulat na ang mata at tumingin sa mata ko ng nakangiti. "Good morning!"
Napakurap ako.
Kanina pa ba sya gising? Naramdaman nya kaya ang pagtitig ko sa kanya?
"Ah. A-Alas singko na Gray, kailangan ko ng magluto for breakfast.", pagdadahilan ko at bumangon kaagad para mabawasan ang kahihiyan ko.
Tanga mo Ysha. Boyprend mo na nga, libre titig dapat! Hay. Pero tama naman, wala si Yaya Melinda tuwing Miyerkules dahil bibisita sya sa kamag-anak niya. Kaya ako ang magluluto ng breakfast!
Bago pa ako makatayo ay nahagip na ni Gray ang palapulsuhan ko.
"Don't go. Just let Yaya Melinda cook for breakfast."
"Gray, wala si Yaya Melinda ngayon. Madaling araw pa yun umalis."
"Damn, right.", He said in surrender tsaka tumingin sa akin. Nagdalawang-isip pa ito bago tuluyang magsalita. "I... I can help you in the kitchen?"
"Ha? Hindi na, okay lang---"
"I insist.", sabi niya at dali-daling tumayo. Nag-inat pa ito at humikab ng patago, parang puyat at walang maayos na tulog.
Pareho lang kami ng tulog e, masarap pa nga ang tulog ko. Bakit sya parang hindi? Ganun na ba ako kalikot? XD
Naghilamos muna kami bago pumanaog at pumunta sa kusina. Baka magbru-brunch lang sila Ma'am Sophia mamaya. Late silang magising pag Wednesday e, ewan ko din kung bakit.
Hmmm. Hotdog na nga lang at scrambled egg ang lulutuin ko. Or bacon? Kami lang naman ni Gray ang kakain eh. After uncovering the hotdog, I cut it into small cuts at isinalang ang frying pan.
Sinipat ko naman ng tingin si Gray na ngayon ay nakatayo lang at tinitingnan ang bawat kilos ko. Tahimik lang itong nakamasid sa akin.
"Okay ka lang?", tanong ko.
"Ah yeah. Don't mind me.", sabi nya at napakamot sa ulo. "How can I help?"
Nag-isip naman ako kung ano ang ipapagawa ko kay Gray. Para kasi syang nabobored eh. Nabobored ba sya sa ganda ko? Charess.
"Pakilunod nalang ng hotdogs sa frying pan.", sabi ko na lang.
Sinunod ko naman ang itlog. I whisked the eggs at natatawang pinisa pisa ang yellow substance na hindi pa masyadong na-whisk. Maya-maya...
"Will they be cooked?" tanong nya habang nakaharap sa frying pan, tinitingnan ng maigi ang hotdogs. Nakakunot ang noo nito.
"Oo naman. Hintayin mo lang."
Nakita ko ang bahagyang pagkibot ng labi nito bago nagsalita.
"Nothing happened."
Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Nilapitan ko sya at kalmadong ibinaling ang tingin ko sa frying pan. Nanlaki ang mata ko at dali-daling kinuha ang mga hotdogs doon.
BINABASA MO ANG
My Hot-Tempered Boss
Teen FictionMasungit si Gray, matalino at may pagka-bipolar. Samantalang si Ysha naman ay may pagkabobo at tanga. How should Ysha's foolishness deal with Gray's hot temper? Will she be able to break his ice? Well... Started: December 2019 Ended: May 2020