-Five years later-
Ysha's POV
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nanonood ng Netflix ni Gray. Sabado ngayon at pareho kaming walang pasok sa trabaho. Sa totoo niyan, hindi naman talaga sya pumapasok kapag wala akong pasok e. The perks of owning a company.
Nakahilig lang ako sa dibdib niya. Ako talaga yung pumili ng papanoorin at ang napili ko ay yung Korean drama na Weightlifting Fairy hihi. Nagtataka lang ako kung paano nagawang buhatin ng bidang babae yung mabigat na barbell. Sa bagay, babae naman talaga ang palaging bumubuhat ng relasyon. Charot.
Pero joke lang, dapat kasi balanse yun in between a man and a woman. That's how a relationship should work, base na rin sa pinagsamahan namin ni Gray.
"You're enjoying?", tanong ni Gray nang makitang tumatawa ako.
"Oo naman.", masiglang wika ko at ibinaling ang tingin sa kanya, "Ikaw, hindi ka ba nag-enjoy?"
"Nope, I enjoyed..." sabi niya habang ini-emphasize yung 'p'. "I enjoyed watching you. I can even watch you all day without getting bored."
Tapos ngumiti sya sa akin. His smile to me never changed. It's still as sweet as before. Pa as if ko namang tinaas ang kilay ko kahit kinikilig naman.
"Pumipick-up line ka na naman ba?"
"Not really, why?", He said and stared at me, "Did I pick-up your heart with that line?"
Echos.
"Bakit mo pa tinatanong...", sabi ko at bumulong, "Eh, matagal na."
"What? Care to repeat? I did not hear that."
Napaismid ako. Alam ko namang narinig niya e. Kahit binulong ko yun, sinigurado ko pa ring maririnig niya. Landi! Kunwari pa, nakangisi naman.
"Bingi ka ba?", pabebeng sabi ko nalang at umirap.
"Nope.", sagot niya at ngumiti na naman, "In fact, I can still hear your heartbeat racing with mine."
Punyeta!
Umiling-iling na lang ako at yumakap sa kanya. Nakalimutan na yata namin yung dramang pinapanood. Piningot ko naman ang ilong niya."Nakadrugs ka yata e."
"Awww.", reklamo niya habang hapo ang kanyang ilong pero ngumisi naman agad ito at nagwave sa akin, "Hi drugs!"
Tumawa na lang ako at ganoon din naman sya. Our laughter filled the four corners of the room. And I hope it never last.
Masasabi kong marami talagang nangyari sa limang taon. In fact, I'm already a teacher samantalang si Gray ay isa ng ganap na computer engineer slash businessman. Businessman. Nag-aral kasi sya ng ilang taon sa kursong business administration after his graduation since sya daw yung pamamanahan ng gaming company ng daddy niya. Tapos ako, wala akong kaalam-alam dyan. Tse hekhek.
I'm living with Gray na rin after makapasa ako sa board, that's roughly three years ago. Hindi ko alam kung paano sya nakapundar ng bahay at may sasakyan pa itong nalalaman. Sabi niya gusto nya akong masolo ih hihi. Samantalang sila papa naman, pinalipat ko na rin ng bahay. Yung 30 minutes lang ang byahe mula dito.
Naputol ang pag-iisip ko nang may malamig na hangin na dumapo sa balat ko. I cringed.
"Gray, ang lamig na ng aircon. I-adjust mo, dali!"
Tinaas lang niya ang kanyang kaliwang kilay na tila kaysama ba ng sinabi ko at walang balak na i-adjust yung aircon.
"Why would I?"
"Anong 'why would I?' Nilalamig ako!"
Ang tindi ko rin naman kasi makapag-utos. Hindi ko naman kasi alam pano yan i-adjust e. Tapos di naman dapat palagi tayo ang nag-aadjust. Hehe.
BINABASA MO ANG
My Hot-Tempered Boss
Teen FictionMasungit si Gray, matalino at may pagka-bipolar. Samantalang si Ysha naman ay may pagkabobo at tanga. How should Ysha's foolishness deal with Gray's hot temper? Will she be able to break his ice? Well... Started: December 2019 Ended: May 2020