Sumapit ang gabi. Matapos maghapunan at tapusin ang gawaing-bahay, ay dumiretso ako sa aking kwarto. Nagpalakad-lakad ako at nag-iisip kung ano ang isusulat sa letter of apology, kailangan pa naman computerized yun. Napabuntung-hininga na lang ako.
Kung magpapatulong kaya ako kay Gray? Magaling sa Ingles yun tsaka may computer! Tama! Tam---
Aaaaaaah! Hindi pwede!
Nasabunutan ko ang aking buhok nang maalala na naman ang eksena kanina. Paano ba ako haharap sa kanya?> > > F L A S H B A C K < < <
"Mas mukha pa kasi silang basura kaysa sa literal na basura" sabi ko kay Gray at nawala ang kunot sa kanyang noo.
Ngumiti sya sa akin at humigpit ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa kamay ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil napakaamo ng mukha niya.
Ang sarap titigan.
Napatigil sya sa paglalakad at muli akong tiningnan na parang inaanalisa ang mukha ko, tila may sinisigurado. Biglang nawala ang kanyang ngiti at napatitig na lang sa akin.
"D-Damn! Y-You--- You just smiled!" He said in awe at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
Dali-dali ko namang iniba ang ekspresyon ng mukha ko. Bakit? Para ba akong sira?
"I'm really damned. I'll surely kiss you later at home, my woman.", sabi nya bago pinakawalan ang pisngi ko.
Hinawakan nyang muli ang aking kamay at nagpatuloy kami sa paglalakad. Umigting ang kanyang panga at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa akin at nawari kong may emosyon syang ipinapahiwatig.
Panggigigil.
> > > > < < < <
K A S A L U K U Y A N
Paano nga ba ako haharap?
Napakamot ako sa aking ulo ng maraming beses. Nagpabalik-balik ang mata ko sa orasan. Alas otso y medya. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan ng chairman ng students affairs kung saan i-aaddress ang letter.
Magtatanong na lang sguro ako kay Gray. Magtatanong lang naman eh.
'Gusto mo lang magpahalik e.', ani ng isip ko.
Napailing ako ng ilang beses sa ideyang iyon at lakas-loob na pinihit ang siradura ng aking pintuan.
Nang tuluyan ko ng mabuksan iyon ay laking gulat ko nalang nang makita si Gray sa tapat ng aking pintuan at akmang kakatok na sana. Nagulat din sya ngunit saglit lang iyon dahil napalitan ang gulat niya ng isang ngiti sa kanyang labi.
"Hi, my woman."
"Ah. U-uy. Hihihi." nahihiya kong saad sabay kamot ng ulo.
Pa-demure pa eh.
Nagtatanong ang kanyang mga matang tumingin sa akin na tila iniisip kung bakit ganun ang ikinikilos ko.
"You okay?"
"Ha? Eh oo naman."
"Good. Are you done making the letter?"
"Hindi pa. Hihi"
"We'll do it together, then. Do you mind?"
"S-sge. Y-Yun lang ba ang gagawin natin?" Paano yung halik?
Kumunot ang kanyang noo at sandaling nag-isip bago bumaling ulit sa akin.
"What do you mean? Aside from the letter, do we still need to do something to compensate our first offense?"
BINABASA MO ANG
My Hot-Tempered Boss
Teen FictionMasungit si Gray, matalino at may pagka-bipolar. Samantalang si Ysha naman ay may pagkabobo at tanga. How should Ysha's foolishness deal with Gray's hot temper? Will she be able to break his ice? Well... Started: December 2019 Ended: May 2020