Twenty Eight

30 2 1
                                    

"Ate, nagkadengue si Trevor" malumanay na sambit ni Gianna.


Kaya pala lately, malungkot siya.


"O, tara bisitahin natin"
Sabado naman ngayon eh, baka pwedeng bisitahin si Trevor.

Tinawagan ko kaagad si Ashley kung nasa hospital siya. Sabi niya, mamayang hapon pa daw siya pupunta at may aasikasuhin pa daw siya. Pinili ni Gianna na magpunta na sa hospital ngunit sabi ko sa kanya ay may bibilhin lang ako para sa props namin sa subject ni Ms. Janel.


"Morning, Ma" while I am walking, a morning voice suddenly creeped in. Papalabas siya ng street nila. 


It was Demetrio
"Morning, Nak" I replied awkwardly.


Hindi ba talaga kami makakaget-over sa family thingy na yan?


"Samahan na kita, Ma"
"Okay lang ako, uwi ka na, inaantay ka na ng tatay mo"


Our eyes met then we burst out laughing at our craziness.


"San ka nga punta?" 

"Bookstore, for the Props" I said smilling.

Naglalakad pa din kami papalabas ng village


"Ah, sipag mo naman miss" panloloko niya
"Eh kasi, di ka nagalaw sir" I sneered, and slighly frowned. 


We stopped walking
and
We stared at each other


Napansin ko na ang pula ng mata niya
I blinked and continued walking. 

"Hmm, nakasinghot ka nanaman? Pula ng mata natin sir ha" I joked. 
"Ikaw kasi eh"
"Oh, ba't ako"
"Ang labo mo"
"Hatdog"


He stopped walking, pero ako nagpatuloy pa din. 


"Aalis na ako, Chelsey" he told me. 


Napatigil ako sa paglalakad 


"Tatapusin ko naman 'yung Grade 10, wag kang mag-alala. Baka mamiss mo 'ko eh" dagdag pa niya.


Bakit nag-iba yung atmosphere? Parang ambigat. 


"Ah, edi umalis ka" sabi ko habang nakatalikod


Hindi ko siya kayang harapin. Adik ba ako o adik siya? Ilang buwan pa lang kaming close oh, tas siya pa 'yung go-to ko. 


Paiyak na ako nung naramdaman kong papunta siya saakin, mas pinili kong tumakbo. Ito nanaman tayo, alam niyo, kung vlogger talaga ako, malalaman niyo kung nag improve ako kada month sa pag-ibig o kahit sa buhay. Every month may ganap eh, tas ipopost ko sa social media tas one day, isang araw, naka one year na pala, kahit parang kahapon lang yung sakit.


I called Ashley, kasi siya lang 'yung pwede kong matakbuhan.


I waited for her sa playground na favorite naming puntahan. Mamayang hapon pa naman siya pupunta kay Trevor.


Once Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon