Forty Eight

9 1 0
                                    

to my great buddies, here's a song for you!


It is our recess time. 

Napag-isipan naming pumunta sa open field. 


Nagpapalamig kami dito kasi sobrang init dahil malapit na ang summer. 

"Adik, mas sweet pa talaga silang tingnan!" Ashley excitedly told me. Tinutulak-tulak pa ako, nasa harapan niya kasi ako. Naglalakad pa lang kami sa pwede naming maupuan dito sa fields. Sa kabilang banda kasi andoon na ang araw. 


Nag kwe-kwentuhan sila nung nangyari sa EK. Apparently, napasakay nila si Demetrio sa Space Shuttle kasama si Maverick kasi ayaw niyang aminin na may feelings pa rin siya saakin kaya ginawa nilang dare. 


They are all smiling at me, and they are eagerly looking at me, waiting for my response. 

Nakahanap na kami ng upuan.Pababa kasi upuan dito, nakaupo kami ni Ashley sa baba, habang silang lima nasa taas namin. 

"Buti naman nag bonding sila" sagot ko habang binubuksan ang chichirya na kanina ko pa hawak hawak. Inalok ko sa sila kumuha. 

Napagpasyahan namin ni Ashley na humarap na lang sa kanila, sila naman ang kakausapin namin.


"Ang lame ng sagot mo ha" Charlotte noticed, kakatapos lang niya nguyain ang kanyang flavored french fries. 

I looked at her fingers andon pa 'yung mga flavorings na cheese. 


"We are waiting for your answer about Demetrio" pandidiretso ni Chloie. Nabaling ang tingin ko sa kanya. "Tanungin niyo kasi siya ng maayos kung ano bang gusto niyong malaman" she added, her eyes staring at her food. Siya na lang kasi hindi pa nakaka-kain kasi cup noodles inorder niya. 


Tiningnan ko sila isa-isa. Hindi mapakali ang mga mata ni Ashley. Nagtaka kasi ako bakit may alam sila about kay Demetrio and me, hindi ko naman ino-open 'yung mga ganon. 

Ah, may kinwento siya. 



I took a deep sigh. 

"Minsan ko siyang minahal" I started, and they drew closer to me. Napatigil din sa pagkain ng cup noodles si Chloie. 


"Paano si Maverick?" Kristina protested pero sinagot siya ni Deanne na 'minsan' nga sinabi ko so tapos na. 

"Pero my heart belongs to Maverick" I sadly said. I frowned at them

"Pero mahal mo pa rin si Demetrio?" Magui curiously asked. 

I shrugged. 

"I don't know" I mumbled. Tumingin ako sa pagkain ko, parang ang asim masyado nito, kailangan ko ng chocolate. 

"Kailangan mong linawin 'yan, Chelsey" seryosong sabi ni Kristina. Tinanggal niya na sa plastik 'yung turon niya. Nate-tempt akong kunin 'yung turon niya.


 I bit my lower lip. 


Andaya naman kasi, si Kristina pumakyaw ng tatlong turon nung nagbebenta. Ako kasunod niya sa pila eh, konting kembot ko na nasa kamay ko na rin 'yung turon. Pero wala eh, binili lahat ni Kristina. 

Once Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon