Forty Six

11 1 2
                                    

Papa left us before we know it. Nakalock kasi 'yung front door kaya kala ko nasa bahay si papa ngayon. Not until mama came out with a sad face na hindi mo talaga mawari kung anong nangyari. We both didn't know where he went, umagang umaga. 



To ease the situation, I decided to bake a cake for mama today, Valentines pa naman. 


"Banana Cake?" I asked her, hawak hawak ko na 'yung bowl at ready na akong mag bake. She's looking at me nervously. "Ma, kaya ko mag bake!" I assured, hindi man ako laging gumagalaw upang gawin ang gawaing bahay pero marunong naman ako sa ganito. 


"Sus, manonood ka lang sa youtube eh" banat ni Gianna, nakaupo siya sa dining table. Kanina pa siya nag ce-cellphone doon. Ngunit subalit datapwat, hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa. Bumalik si mama sa kwarto niya kaya naiwan na kami ni Gianna sa labas. 


Na-mix ko na lahat, pero kailangan ng buttermilk, pero alam ko namang wala kaming ganoon kaya nagtungo ako sa refrigerator para maghanap ng alternative. Pag hahaluin lang naman fresh milk tsaka lemon eh, okay na. 


Umupo ako at binuksan ang vegetable drawer bigla akong kinalabit ni Gianna, "Ate alam mo bang wala tayong oven?" she told me. 


Tiningnan ko siya ng masama. Kakabili lang ni papa ng oven last month kasi nga nirequest ni mama 'yon. 


Sinilip ko kung totoo ba 'yung sinasabi ni Gianna, sinara ko nang bahagya ang pintuan ng ref. Tiningnan ko uli siya ng masama. 

Gianna, may hawak akong lemon baka naman gusto mong umayos. 


"Joke lang ate, ang hirap ng walang youtube no?" she teased again, may hawak siyang libro about cooking, kanina cellphone lang hawak niya ngayon libro na.  

Tumayo na ako at isanara ang pintuan ng ref. 


"Marunong nga ako" I repeated, kinuha ko na 'yung lemon squeezer. Nakayuko siya kasi binabasa niya kung paano mag bake. 



"Tss, don't underestimate Chelsey" I whispered to myself while squeezing the lemon with the best I could. 



"Bakit? Tinitingnan ko lang naman kung tama ginagawa mo ate" she replied, she's pinching her lips habang nagbabasa ng instructions sa libro. Narinig niya ata sinabi ko. 


Okay...


Binuksan ko na 'yung electric mixer. 


"Ate ako na sa frosting, alam ko kung paano gumawa" she offered, I silly smiled at her, niliitan ko ng kaunti 'yung mata ko medyo chinita kasi si Gianna. 


Tumingin ako sa kanya 


"Sus, manonood ka lang sa youtube Gianna eh" I mimicked her, pinalo niya lang ako sa kamay. 

Once Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon