Seventh

42 4 0
                                    


Tumunog yung alarm clock ko at di pa rin ako bumabangon. Imbes na maupo ako, mas pinili ko mag talukbong.



"Ate an-" pumasok bigla si Gianna.

Naramdaman kong umupo siya sa kama ko. She caressed my blanket.



"Okay lang ikaw?" she asked.


Ibinaba ko 'yung kumot ko.


Ngumiwi ako. "Hindi"



Bakit kasi nagbago?

Ang lamya ng kilos ko. I am in that momentum na eh, tapos biglang nawala.

I mean, how to accept?




Maaga ako nakarating sa school. Kapag pasok ko, ako pa lamang ang nasa loob.



"Chelsey" isang tinig ang narinig ko pero di ko sure kung sino. Kaya nagpatuloy pa din ako pagtulog. Di ko alam kung nanaginip ako o hindi.



Maya maya may nagtanggal ng earphones ko na ikinagalit ko. Nakakabarda nakita na ngang natutulog yung tao guguluhin pa.



"WHAT?" sigaw ko, pagkita ko, si Nick pala. "Nakita mong tulog 'yung tao ginugulo mo. Problema mo?" pa-galit na tanong ko sa kanya. Since kaming dalawa lang sa classroom, nag e-echo lahat ng sinabi ko.

Panira ng araw.



"Nakaupo ka sa upuan ko. Pwedeng lumipat ka? Wala akong problema, baka ikaw meron," sabi niya. Tumayo ako at padabog na pumunta sa upuan ko. He gave me an irritating smile.


"Sana naman wala ng mangugulo. Nanahimik kasi 'yung tao eh" padabog kong sabi. Humiga ako uli.



Nakakabarda kasi talaga.



Maya maya naramdaman ko na nagsisidatingan na 'yung mga kaklase ko. Kaya unti-unti kong inangat ulo ko. At kunwaring busy sa cellphone ko.



Nung dumating teacher namin sa first subject namin, agad kong tinago yung cp ko at nakinig sa kanya. Pero wala talaga ako sa wisyo. Lumilipad utak ko kaya nakatitig lang ako kay mam. Nang matapos first sub, nag announce si Noah na mag break muna daw kami kasi wala daw yung mga teachers namin ngayon. Nasa Conference daw, kaya magprapractice na lang kami ng sayaw.



Bumaba ako mag isa at nilapitan ako ng mga kaibigan ko.

"Namatayan ka te?" tanong sakin ni Charlotte. Hindi ko sila pinapansin.


"Manalamin ka kaya Amiela," sabi ni Chloie at kumuha siya ng salamin at itinutok saakin. Mukha na akong zombie.


Mukhang lantang gulay.



"Nag iba na partner ko sa jive si Harvey na. I'm so happy" sabi ni Charlotte her eyes are twinkling. Buti pa siya masaya.


"Kaya pala" biglang nagsalita si Chloie, matulin ang tingin niya sakin.



"Kaya siya di nagsasalita kasi nag iba partner niya di na si Maverick. Kaya galit din siya saakin. Like duh Amiela Grow Up! Ano naman kung partner ko si Maverick? Wala namang mamamagitan. I know my limitations" sumbat niya saakin pero di ko pa din siya pinapansin.



"Kwek kwek oh, kain ka na. Favorite mo yan," sabi ni Ashley. Wala akong ganang kumain. Kaya umalis na lang ako sa kinatatayuan namin. Pumunta uli ako sa field. Kailangan uli mag sync in sa utak ko lahat. Di muna ako bumalik kahit sabi ni Noah dapat mga 2:30 andun na kami. Nag stay ako hanggang 4:00. Andun lang ako, mag isa, pinapanood ko 'yung mga taong masasaya na nasa field. Sana ako din. Sana di na lang nagbago yung partners.



"Bakit pa nagpalit ng partners. Bakit? Andun na yung moment ko. Andun na. Biglang nawala. Bakit ganun?" I murmured tas unti unting nangilid yung luha ko. Naglakad ako at bumalik sa building.


Umakyat ako sa taas at tsaka kinuha gamit ko. Wala talaga ako sa mood. Wednesday pa lang, sana Friday na. Ayoko na.




Pag kauwi ko sa bahay, inopen ko lang wifi ko. Andami pala nag message saakin. Hinahanap pala ako kanina. Kala ko invisible na ako.

 Nag pop up name ni Demetrio sa cellphone ko. Pero di ko pinansin. Sorry. Wala ako sa mood.

 Nakahilata lang ako sa kama ko at nakatitig sa pader, hanggang sa nakatulog na pala ako.

Once Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon