Thirty Seven

17 2 1
                                    

(the photo above is a photo reference of Maverick's selfie on Chelsey's phone- her wallpaper also. Enjoy reading!)



Hating gabi na nang makarating ako sa bahay namin. Dumaan pa kasi kami sa bahay nila Demetrio kasi hinatid din siya ni papa, nag-usap sila ng kaunti ni Tita Agatha bago kami umalis.



Sunday ngayon kaya papunta kami sa simbahan upang magpasalamat sa lahat ng bagay.



"Ma, pa-abot ng kandila" kinalabit ko si mama kasi mas malapit sa kanya 'yung lalagyan ng kandila

"Isa pa" sabi ko. I lit those candles and turned into her again.

"Ilan ba?" naiiritang tanong niya


Binilang ko sa utak ko kung ilan mga kaibigan ko, bale pito tapos lima uli, kaya labing-isa.



"Siyam pa po ma" sagot ko, tinaasan niya ako ng kilay

"Dapat, bumili ka na lang sa labas hindi 'yung dito ka pa kumukuha" sabay abot ng siyam na kandila

"Ipagdadasal mo ba lahat ng crushes natin?" tanong ni Gianna. Tiningnan niya 'yung mga kandila.

"Hindi, mga kaibigan ko lang" sagot ko, hindi kasya 'yung siyam sa kamay ko kaya nilipat ko muna kay Gianna

"O baka ipinagdadasal mo future babies mo" binilang niya 'yung kandila, matapos niya itong mabilang tiningnan niya necklace ko.



"Alam ko kung sino nagbigay" tinuro niya 'yung kwintas. "siya 'yung pang-walo" she teased me, she's referring to Maverick. Nanahimik siya bigla, nilapitan niya ako



"Speaking of which" bulong niya, binalik niya uli 'yung kandila sakin. Hindi nga kasya sa kamay ko Gianna!



"Akin na tulungan na kita" somebody offered, I turned my head a little bit kasi pag isang  buo, baka mahulog ko lahat ng kandila, yakap yakap ko na sila eh.

Biglang lumapit 'yung taong nagsalita, dahilan upang iwanan ako ng kapatid ko. 



"Akin na" he offered his hand. Binigay ko 'yung lima. "Tss"



Pinagpatuloy ko 'yung pagsindi ng kandila nang bigla siyang nagsalita.

"Ikaw nagbibigay liwanag sa mundo ko" sabi niya, napatingin ako sa kanya at tumawa

"Tama na, Demetrio" sabi ko at tuluyang tumawa

"Matagal na rin kitang pinagdasal" may narinig akong nagsalita sa likod, nilingunan ko.

"Isabelle!" napatalon ako sa gulat, nasa tabi ko na kasi siya tapos nakaputi pa siya. "Ano ba?" pinalo ko siya. Mukhang multo. 



Minadali kong tapusin sindihan lahat at umalis na doon. Dito pa talaga nila piniling mag banatan ng napaka-corny nilang linya

Once Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon