Forty Seven

10 1 0
                                    

Umuulan ngayon. 

Pagkatapos nung gabing iyon, hindi pa rin okay sila mama. Natulog sa sala si papa kagabi kasi pagkatapos ng away nila, eh nilock na ni mama ang kwarto nila. 



Nakasakay kami ngayon sa sasakyan at  gusto pa rin ni mama makipaghiwalay kay papa. Hindi pumapayag si papa. 

"Isang signature lang, Paulo" paulit-ulit na sabi ni mama. Papunta na kami sa simbahan ngayon. Kinausap ko si Gianna na pagtabihin sila mama, kasi for sure hindi sila magtatabi at ilalagay kami sa gitna nila sa upuan. 


Pero hindi sumasagot si papa kahit ano pang sabihin ni mama. His eyes are fixed on the road. 



Ang aking #ootd for today ay blouse na kulay yellow at pantalon. Ang sapatos ko ay doll shoes na puti na may konting takong sa loob, para mukha akong 5'7 kahit 5'4 lang ako. Si Gianna, nakasuot ng dress na kulay orange, at boots na kulay brown--dahil sa ulan. Si Mama naman ay nakasuot ng printed na blouse na may beads sa neckline at kulay lila ito, naka pantalon rin siya at doll shoes. Si papa naman, naka blue na polo, nakuha niya lang kasi sa sasakyan 'yung polo na 'yon kasi nga hindi siya pinapasok ni mama. Naligo si papa sa CR namin. 


Nang makarating kami sa simbahan, tumila ang ulan. Sinamahan ko muna si Mama papasok, at si Gianna naman kay papa. I grabbed the opportunity to talk to mama. 


I hugged her arms first, I glanced at her peaceful face and looked for a right timing to open up the topic. 



 "Nag-sorry naman na ma" I told her, unti-unting sumimangot ang kanyang mga labi at ang kanyang mga kilay ay nagsalubong.

"Ay nako, ipinapawalang bisa lang niya 'yung salitang sorry " galit na sabi niya. Makikita mo talaga 'yung emosyon niya sa mata niya.  

Nasa may pintuan na kami ng simbahan at tumingin ako patalikod. Sobrang bilis lang ng pagkakatingin ko pero bigla akong sinabihan ni mama na "Hindi uubra sakin yang tingin mo Amiela" sabay tanggal ng kamay ko sa braso niya. 


At totoo nga, umupo si mama sa dulo ng upuan, pinapagitnaan nila kami. 


"Ate" tawag sakin ni Gianna, gumawa kasi kami ng number signals. Ibig sabihin it's time to prepare para mag CR at magpaalam kay mama. 


Heto ang aming nag-iisang plano para sa oplan balik alindog, Mag C-Cr muna ako tapos susunod si Gianna, sa ganoong pagkakataon maari silang magkatabi. Alam naman ni mama na pala ihi kaming dalawa lalo na at umuulan.  Sa likod na lang kami uupo ni Gianna. 


Kung hindi gumana, magdadasal na lang kami ng mataimtim para sa ikabubuti nilang dalawa. 

Pinatapos ko muna ang pari na mag salita ng homily at saka ako nag paalam kay mama. 



Kinalabit ko siya, "Ma, naiihi na po ako" tumayo na ako pero ipinangharang niya 'yung pamaypay niya sa daanan ko, kaya dumaan ako sa kabila. Bawal nga pala dumaan sa gitna, hindi ko alam saan nakuha ni mama na bawal dumaan sa gitna. Hindi naman ako hinarang ni papa. 

Once Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon