Twelve

42 3 0
                                    


The Contest.


My alarm beeps at 9:30 ewan ko ba kung sinong nag set non, masyado na ata akong pagod. And I was so shocked na suot ko pa din yung suot ko kahapon.



Grabe, pangalawang beses na ito. Sobrang friends na ata kami nung germs.



Binuhat ata ako ni papa kagabi, pag katanda ko nasa EDSA pa lang kami no'n eh, tas nakatulog na ako pag gising ko, andito na ako sa kama ko.



Wow Magic!



Agad akong tumayo at lumabas, hindi na muna ako kakain, wala na akong oras para don. Agad kong inopen yung data ng cellphone ko at nag backread, kanina pa sila GG, Oo nga pala, napag usapan 'to nung Friday! Ano ba naman Amiela? 6 AM call time. Tapos 9 na nasa bahay pa din ako.



Tsk.



Papalabas na ako ng bahay nang biglang may nag message sa akin. Agad kong itong binuksan at nakita ko na minessage na ako ni Ashley. Of course, asking kung nasaan na ako. I told her na on the way na ako at pinicturan yung daanan para maniwala. Tinakbo ko na papalabas ng village kahit mabigat bag ko-- kasi may lamang damit at libro, keri na.



Buti na lang may nag aantay na jeep. Sana all nag-aantay diba?



Agad akong sumakay at naupo, kasi isang sakay lang naman mula bahay yung school. Nagbayad na ako kay manong at inumpishanag Iiscroll lahat message.



Pipindutin ko na sana yung convo namin ni Maverick pero bigla niya akong tinawagan. I answered it fast.



On the phone :

"Hey, babe what's up? " he said with a sweet voice.

"Mav?!" I said with a harsh tone, kasi I was in total shocked, na he calls me Babe.

"Oh, sorry wrong number pala, bye" he said and he ended up the call.



Ay baliw pala iyon e, wag niya akong tatawagan ng ganon-ganon lang, nakakapanira ng araw. I already assumed na itatanong niya kung nasan na ako pero hindi niya ginawa iyon.



Sabi na nga ba, ilang beses ba Amiela, masakit maging assumera.


I was in the middle of my thoughts when manong driver revved the engine, nasa pinakadulo pa naman ako edi lahat ng usok na galing sa tambutso nalanghap ko na.


Langhap sarap.



Once Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon