Thirty Three

26 2 0
                                    

"Aga mo ha" I teased Deanne, siya lang kasi 'yung kakilala ko kaya lumapit ako sa kanya. 

Nakasalubong ko sa pag pasok sa gate si Yohan. 


I searched for Demetrio's eyes but I can't see it, but I met Nick's eyes and he's laughing at me. Nilapitan ko siya


"Bakit?" I exclaimed
He looked at me again


"Naka-luggage bag ka kasi" he laughed again


Three days kaya kami doon, tsaka kailangan ko ng maraming pagkain. 

"Masaya ka?" I asked

Bigla siyang huminto sa pagtawa, umiling siya. Inabot ko na 'yung hawakan ng luggage ko at umalis sa harapan niya. Pinuntahan ko si Chloie at tiningan ko uli si Nick, hindi na siya makatingin sakin. 


Well, Chloie is the solution


Tumayo lang ako sa tabi niya kasi siya naka-earphones at naglalaro ng Call of Duty, nahawaan na ni Noah.


 Ilang buwan na lang, MSH


Huminga ako ng malalim, marami-rami rin pala ang sumama sa FieldTrip. 'Yung mga hindi ko nakikitang mukha, nagpakita na. Sobra siguro silang busy sa mga section nila, pero kami chill. 


"Mag-aabroad ba tayo?" Ashley joked


I eyed her and looked at her bag. We have the same bag

Unti-unti akong ngumiti



"Magkaibigan nga tayo" I responded and we made a handshake. I also hugged her kasi finally dumating na siya. 



3:00 kasi call time ngayon kasi pupunta kami sa Summer Capital of the Philippines. 

"Baguio" I spelled out 



"Morning Miss Janel" Charlotte greeted her, napatingin ako sa kanya kasi medyo late siya. Pero sabi nga niya call time yung 3:00 aalis kami ng 4:00. Hindi ko alam madami rin pala akong kadamay na sobrang excited.



"Okay, guys line up according to your section. uhhh, Class Presidents" she pointed a finger, tiptoed and her eyes began to search for the Class Presidents of each section. Lahat naman sila lumapit sakanya. She gave them a flaglets para hindi malito 'yung mga students na pumila according sa section nila, counted kasi 'yung mga tao sa bus tsaka naayos na nila 'yung name kasi in case of emergency. 


"Napuyat 'yon" I interrupted Charlotte, hindi kasi siya mapalagay sa kinauupuan niya, tingin ng tingin sa likod


"Baka malate siya" she said and gave me a sad smile


Love birds talaga



"Mas takot pa 'yon sayo kesa sa multo" I said para kumalma naman siya, kailangan puro enjoy lang 'yung iisipin namin the whole trip kasi this will only remain as a memory of our past. 

Once Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon