Second

102 5 1
                                    

"Ate Chelsey? Gising na. Andyan na mga kaibigan mo"  umupo sa tabi ko si Gianna.

"Sabi mo 8:00 sila pupunta tas ikaw di ka pa gising. Gising na ate," ito si Gianna- kapatid ko. Siya 'yung live alarm clock ko. Mas ate pa siya kesa sakin.

"Good Morning Gianna," I greeted her habang nag-uunat pa ako. "Nagalit ba si mama?"



Nakapagpaalam ako kay Mama kahapon pero alam ko namang pagod na siya dahil sa work niya so hindi ko alam kung gets niya ba. Dahil nga she is super strict kapag may okasyon lang dapat pumunta mga kaibigan ko. Well, gusto ko lang na maayos kami ngayon. Ito kasi 'yung era pagkatapos ng long weekend slash long break from school works. Kapag kasi ganito, seryoso talaga MSH na wala kaming gagawin.



"Hindi naman ate. Ang bait nga ni Mama ngayon eh." sagot niya. Tumayo na siya sa kama ko at naglakad papalabas.

HIMALA



"Morning," bati ko sa kanila. Pag labas ko ng pinto bungad agad sila. Pero may sari-sariling mundo. Nakaupo sila sa sofa namin. Si Ashley nanonood ng TV . Si Charlotte hawak cellphone niya as usual naman ka-chat si Harvey. Si Chloie naman naghahanap ng makakain.



"Oh andyan ka na pala. Bilisan mo na Chelsey. 1 hour dapat nasa school na tayo," sabi ni Chloie buti pa siya napansin ako.

Tumango na lang ako.

Nag CR muna ako. Morning routine muna bago ang lahat. 

After that, naligo na ako at nagsimula na kaming mag-ayos. 

"Wow! Kylie Lip Kit pa-try," sabi ni Charlotte. Mahilig pa naman siya sa mga make up, pero dahil nga 'di kami mayaman, 'di namin afford bumili ng kaek-ekan namin sa buhay. Regalo lang saakin yan ni tita dahil ang pale daw ng mukha ko. Mukha na raw akong zombie.



Nang natapos na kami, nagpaalam na ako kay Gianna. Si Mama palagi namang maaga umaalis 'yun eh. Mga 8:30 umaalis na yun. E, mga 9:00 na ako nagising kanina kaya 'di ko naabutan. Si Gianna mamayang 12 pa pasok sa eskwela. Grade six na siya ngayon, graduating na. Ambilis ng panahon, dati ako lang taga hatid sundo niyan galing school eh tapos ngayon malaki na siya. Ang pinaka-nakakatuwa sa kanya, nag to-top siya sa klase niya. That's my baby.

                       Ay nagdadalaga na pala kaya di ko na baby.



4th year high school na kami ngayon at sa MSH kami nag aaral. Semi Private at Semi Public naman 'tong school pero lahat libre.

Meron kaming project na tungkol sa sayaw. Mag papartner partner daw kami. Nako, dinaig ko pa yung robot pag sumasayaw ako. Kaya kung sino mang makakapartner ko, Goodluck sa kanya.

Nakarating kami sa school sa tamang oras, dapat before 10:30 nasa school na kami para sa unang subject namin which is TVE.



"Goodmorning Class" bati samin ni Mam Joyce. Napakabait talaga ni Mam. Maganda siya, tapos matalino pa, and take note lagi pang fresh. Nakakapagtataka nga at wala pang boyfriend 'tong si mam. Dinaig pa ng mga kabataang nasa gilid gilid na naghaharutan. Napakabata pa ng mga 'yon, tas si mam? Nasa tamang edad na siya, may trabaho na nga eh. Kulang na lang boyfie talaga, pero siguro choice niya maging single.

Masaya kaya maging single.





"Good Morning Ms. Gonzales, Mabuhay." maligayang bati namin sa kanya. First day namin sa kanya galing sa sembreak at nasa third grading na kami. Kada grading, iba-iba TVE Class namin. Nakakaloka man, pero atleast natuto kami ng iba't- ibang gawain. Throughout, solid Ms. Gonzales kami kasi iisa lang teacher namin sa TVE per section. Siya kasama namin sa hirap at ginhawa ng subject namin.



Once Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon