Tenth

45 4 0
                                    


Gianna's Birthday



Maaga ako nagising ngayon, kasi nag effort akong gawan ng gift si Gianna. Gumawa ako ng mini- album niya, resulta ng kakanood ng youtube. Naglagay ako ng long birthday greeting sa kanya.


 As for our breakfast, I baked pancakes na lang para marami makain mamayang tanghalian. Nakapag-order na kasi si Mama sa mga favorite restaurant ni Gianna kaya masarap ang handaan mamaya.



Mga 6:30 AM nagising si Gianna, buti na lang malayo 'yung kwarto niya sa kusina kaya di niya naririnig kung may gumagawa don. Pagpasok kasi ng bahay, unang bungad yung sala and dining room, tas may kwarto kay mama iyon,  tapos kasunod na 'yung kwarto ko. so pag lumabas ako dining room agad. Sa dulo, dun 'yung CR, tas malapit na dun yung kwarto ni Gianna.


"Happy Birthday Gianna," maligayang bati namin kay Gianna. Niyakap namin siya.


 Ibinigay na namin 'yung regalo namin ni Mama, na naging rason upang mas lalo siyang maiyak.  


"Kala ko nakalimutan niyo na" mangingiyak ngiyak niyang sabi.

We snorted a laugh.


I'm holding her hands.

"Have a blast. I love you"


Umupo na kami para kumain ng umagahan.


"Ma, may practice pala kami mayang 9:00 dyan lang sa may park sa labas," tinuro ko 'yung pader. "Matatapos po siya before lunch" I added. Baka kasi hindi ako payagan.


"Pagbalik ko po pala kasama ko na sila Charlotte, Ashley tsaka si Maverick" paalam ko. Kailangan niyang malaman 'yun, baka magulat siya na dala ko yung mga kaibigan ko.


"Okay nak, basta uwi agad ha. Wala munang gagala" she replied.


"Yes ma."




***



Hinanap ko si Maverick kaso wala siya dun. Nasan kaya siya?



"Demetrio," tawag ko sa kanya. Agad siyang lumingon.


"Si Maverick?" tanong ko sa kanya. Lingid naman siguro sa kaalaman niyang may practice ngayong araw.


"Emergency" sagot niya.



Kumunot noo ko. Umupo na lang ako sa gilid, I bit my lower lip. Palaging may emergency yung taong yun. Minsan nga, gusto ko nang sundan kasi parang minsan wala na sa Emergency thingy yung excuse niya. Baka kung ano ano na pinag gagawa nun, nag away pa naman sila tito. Nako, kung may ginagawa si Maverick, kakaltukan ko ng isa yun para magising. Hinanap ko kaagad si Ashley. Nang makita ko siya, nilapitan ko agad.

Once Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon