“Okay!!! Cut! Isa pang shoot! Maganda ang pinapakita nyo!” sabi ng direktor sa loob ng room namin.
Bakit dito ba sila nagshoot?
Alam na may klase kami. Tsk!“Hoy! Ava? Saan ka pupunta? Bawal pumasok sa room! May nagshoshooting ” sabi ng kaklase ko. Tiningnan ko siya ng masama kaya napaatras siya't di na umimik pa. Takot pala eh
Sinipa ko ang pintuan kaya ng bumungad ako sa kanilang lahat ay gulat na gulat sila. Parang nakakita ng kontrabida sa isang teleserye na di nila inaasahan na bubulaga sa kanila.
Dirediretsyo akong naupo sa upuan ko at naglagay ng headphone upang makinig sa musika. Pumikit ako na parang walang nagshoshooting sa paligid ko
Napangiti na lang ako na parang demonyo ang dating sa kanila.Isang tapik ang nakapagpamulat sa akin kaya tinanggal ko ang headphone ko. Tiningnan ko siya ng masama. Istorbo tsk!
Wala ba siyang alam tungkol sa akin? Kawawang nilalang ang isang 'to di kilala ang Ava Lyn Martinez?
“Problema mo? Nagshoshooting kami dito tapos e-extra ka?” galit na sabi nung babae na shorthair yung kasama niya naman na lalaki ay pinipigilan siya.
Tamad akong humikab sa pagmumukha niya. Walang kwenta naman palang kausap ang mga tao haysss. Matalim ko siyang tinitigan kaya napatiklop siya na parang makahiya. Tsk!
“Kayo ang may problema. Hindi ako. Paaralan itong pinagshoshootingan nyo kaya wala kang karapatang sumbatan ako na ume-extra sa palabas niyo. Dahil ang tunay na extra dito ay kayo! Mabuti akong mag-aaral kaya tiyak na dapat lang akong pumasok dito. Kaya labas kayong lahat ngayon!” giit ko.
Tiningnan ko silang lahat at lahat sila ay napalunok sa sarilingaway nila. Yung mga tao sa labas na papa-Owwww shit nice!
“Pero miss...” sasabat na sana yung lalaki ng nagsalita ulit ako
“Miss Martinez kindly respect me” masungit Kong pagputol sa sinasabi niya.
“Uhm Miss Martinez nakapagpaalam na po kami dito ng mga kasamahan ko na dito magshoot dahil ito ang pinakamaayos na room at mukhang bagong bago pa” sabay tingin tingin niya sa loob ng silid aralan namin.
Tinaasan ko siya ng isang kilay bilang pagtutol sa sinasabi niya
“Nagpaalam? Di nga nakarating sa akin na may magshoshoot pala dito? At bakit ko naman kayo papayagan. Istorbo lang kayo sa klase namin. Umalis kayo.” pagpapataboy ko sa kanya.
“Sumosobra ka na!” sasampalin sana ako nung babae pero nakapitan ko na agad ang kanyang braso at hinagis ko siya sa kabilang side.
Gulat lahat ng reaksyon ang nakikita ko. Haysss kainis!
“Aalis kayo o ipapapulis ko kayo?” tamad kong Tanong.
“Sino ka ba huh?” mataray na sigaw nung babaeng hinagis ko. Tinutulungan na siya ng iba na tumayo at may iniinda syang sakit. Buti nga
“Ikaw sino ka ba?” pabalik kong Tanong
Mukhang irita na ang babaeng yun sa akin dahil nagwawala na siya.
“Ako si Camilla! Artista ako! Kaya! Ikaw dapat ang ipapulis dito! Trespassing ka! Nakalagay na nga sa labas na please don't enter! Bawal pumasok! Bobo ka ba?” pabalang na sagot niya.
Natawa ako sa kanyang sinasabi.
Lahat ay nagtataka sa inasta ko dahil inaasahan nilang magagalit ako at magwawala. Yung mga nasa labas tumawa rin kaya nainis lalo yung babae. Wawa naman talaga. Ni ako di kilala? What more kung sabihin ko kung sino talaga ang sinasabihan niya ng ganyang salita harap harapan?
BINABASA MO ANG
Flow of the Water (EMPIRE HOME)
RandomMaraming bata ang nag- aasam na may matirhan silang magandang bahay at masaganang pamumuhay. Pero iilan lang sa atin ang nabibiyayaan noon simula sa pagkabata pa lang. Ako at ang mga kakambal ko ay nangangarap na sana ay mayaman na lang kaming tatlo...