Amber Lyn Cohen POV***
Nagmamadali kami ngayon ni Anderson Toledo na mag-empake. Nasa condo ko siya ngayon at dali dali niya kong tinutulungan. Minsan nahihiya ako kasi lagi niyang nadadampot ay mga panty at bra ko. Halatang sinasadya ng loko.
“Bakit kasi di mo sinabi na may bakasyon na pakulo sila!?” bulyaw ko sa kanya
“Eh sa di ka nagtatanong!” sigaw niya.
Hayss! Kairita naman
“Okay na yan! Dami ko namang damit na dadalhin!” suway ko sa kanya
“Mas magandang marami kang dalang damit! Baka kasi masira ko yung iba pag nag ano...alam mo na” seryoso niyang sabi kaya iritang irita na ko
“Yan pala iniisip mong gago ka! Tara na nga!” sabay labas ko.
Sya na nagdala ng mga gamit kong dadalhin. Magang maga na. Tapos sila gabi umalis. Huli tuloy kaming makakarating!
Padabog akong pumasok sa kotse niya at nagseatbelt. Napatingin ako sa kanya ng makitang dala dala ang mga gamit ko. Inilagay niya na iyon sa likod ng kotse niya at sumakay na rin.
“Di ba nasabi sayo ni Martha?” tanong niya at pinaandar na ang kotse niya.
“Di niya naman sakin sinabi! Di ko nga alam! Si ninong naman di sinabi! Tapos ikaw di mo rin sinabi! Kasi inuna pa yang kasiyahan na yan eh! Yan tuloy naiwan tayo ng bus! Nakakaewan na huh!” bulyaw ko
“Hey! You need to calm down. You're being too loud baby. Can you just stop” natatawa niyang sambit
Inirapan ko na lang siya
***
Maganda ang islang napili dahil mukhang makakapagrelax kaming lahat dito. Ang problema lang ay dadayo pa kami sa kabilang island para bumili ng mga pagkain o kahit ano pa. Sakto wala kaming nadalang pagkain kaya siguradong pupunta na lang kami sa kabilang isla para bumili.
Nakita ko si Martha na nakasimangot kaya agad ko itong nilapitan. Ng makita niya ako ay bigla niya kong niyakap at sinapak rin. Grabe!
“Saan ka ba galing?” Tanong niya at napalingon siya sa likuran ko at alam niya na ang kasagutan dun kaya sya napatango tango with matching ngiti ngiti pa.
“Martha Tara sa kabilang Isla samahan mo ko” sambit ko kaya tumango siya.
THIRD PERSON POV***
Sumakay sila Amber at Martha sa bangka. Malayo pa kasi kung gagamit sila ng sasakyan. Gusto din kasi ni Amber na mamangka na lang dahil di pa siya nakakasubok ng ganun. Masaya silang naglalayag kasama ang mamamangkero na kilala sa isla. Matanda na rin ito pero kaya pa niya ang gawaing nakaatang sa kanya ngayon. Kailangan niya lang naman maihatid ng ligtas ang dalawang dalaga sa kabilang isla.
Ilang minuto rin silang naglayag sa dagat bago nakarating ng maayos sa isla.
BINABASA MO ANG
Flow of the Water (EMPIRE HOME)
RandomMaraming bata ang nag- aasam na may matirhan silang magandang bahay at masaganang pamumuhay. Pero iilan lang sa atin ang nabibiyayaan noon simula sa pagkabata pa lang. Ako at ang mga kakambal ko ay nangangarap na sana ay mayaman na lang kaming tatlo...